SOLAR PANEL, GROCERY ITEMS HANDOG NG BENGUET POLICE

IPINAGMALAKI ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar ang pagtulong ng mga pulis sa Benguet nang magkaloob sila ng solar panels at iba pa sa magkapatid na nakatatanda sa bayan ng Buguias.

Ayon kay Eleazar kinailangang maglakad ng malayo ng mga tauhan ng Benguet 1st Mobile Force Company at ng BSSMC-Amlipay Chapter para marating ang tahanan ng magkapatid na sina Nanay Lorena at Nanay Celia sa Sitio Cayapas.

Dahil isang stroke patient si Nanay Celia, kaya binigyan siya ang kaniyang kapatid ng ayuda tulad ng bigas, grocery items at solar panel dahil sa karamihan ng mga bahay sa lugar ay walang kuryente.

Nagtanim din ang mga pulis ng mga bungang kahoy sa bakuran ng magkapatid bilang bahagi ng kanilang proyektong “Adopt a Tree”, kung saan ay iiwan nila kay Nanay Lorena ang pangangalaga sa mga iyon.

Nanawagan naman si Eleazar sa iba pang mga pulis na maglunsad ng kahlintulad na mga programa para matulungan ang mga sibilyan na nasa malilit na pamayanan.

“Abutin natin ang ating mga kababayan na nasa mga liblib na lugar na marahil hindi agad nabibigyan ng tulong. Tayo na ang magbigay at maghatid ng tulong sa kanila bilang parte ng ating mandato na magsilbi sa bayan,” ayon kay Eleazar.

Pinapurihan din niya ang Benguet police para sa kanilang busilak na kalooban at kanilang pagtulong ng walang pagaalinlangan.

“Sana ay marami pa kayong matulungan sa inyong mga isinasagawang proyekto,” ayon kay Eleazar. EUNICE CELARIO

66 thoughts on “SOLAR PANEL, GROCERY ITEMS HANDOG NG BENGUET POLICE”

  1. 950324 329817whoa, this is a truly very good piece of details. I read about something like this before, this really is impressively wonderful stuff. 531166

Comments are closed.