SOLAR POWER HATID NG MERALCO SA ISLA VERDE

Magkape Muna Tayo Ulit

NOONG una kong marinig ang Isla Verde, ang unang pumasok sa isip ko ay isang Resort Bar kung saan maaa­ring magbakasyon, uminom at tumambay kasama ang mga barkada ko. Hindi ko inakalang isa itong isla sa probinsiya ng Batangas. Wala akong alam tungkol sa islang ito bago lumabas ang mga balita tungkol sa isinagawa ng Meralco na pag-bibigay ng kor­yente sa Isla Verde.

Nauna nang lumabas noong nakaraang taon ang tungkol sa proyekto ng Meralco sa Isla Verde. Ito ang kauna-unahang small-scale power grid project ng Meralco na kayang mag-operate kahit hindi nakakabit sa transmission facility ng Filipinas. Ang proyek-tong ito ay binubuo ng 32-kilowatt (kW) na solar panel microgrid at 192-kilowatthour (kWh) na pasilidad na nakalaan para sa bat-tery storage.

Noong ika-15 ng Pebrero 2019 ay opisyal na inumpisahan ang operasyon ng nasabing proyekto. Sa kasalukuyan, 30 kabahayan sa Isla Verde ang nabigyan ng koryente bunsod ng proyektong ito ng Me­ralco. Tiyak na galak na galak ang mga residente ng Isla Verde sa napakagandang regalo ng Me­ralco noong Araw ng mga Puso.

Alam ba ninyong napakaganda ng itsura ng Isla Verde? Napakalaki ng potensiyal nitong maging isang tourist destination sa Ba-tangas. Sa kasalukuyan, may mga turista nang dumarayo rito gaya ng mga diver. Hindi nga lang dumarami dahil sa kakulangan sa supply ng koryente sa lugar ng Isla Verde. Bago nagkaroon ng proyekto ang Meralco rito, umaasa lamang sa mga generator set, baterya ng sasakyan, at maliliit na solar panel ang mga residente. Apat na oras lamang sa isang araw kung makaranas sila ng koryente. Kaya hindi ito talaga karaniwang dinadagsa ng mga turista.

Ngayong may kor­yente na ang Isla Verde, maaari nang lubos-lubusin ang taglay nitong potensiyal na maging isang tourist des-tination tulad ng Anilao na nasa lalawigan din ng Batangas. Bagama’t hindi ito madaling puntahan dahil kakailanganin mong bumi-yahe ng higit sa isang oras gamit ang bangka para marating ito, sob­rang sulit naman ang makikita mong ganda ng lugar.

Napakagandang pangyayari ito para sa mga residente ng Isla Verde dahil nagkaroon sila ng pagkakataong maiangat ang antas ng kabuhayan sa isla. Bukod pa riyan, mas magiging ligtas ang kalusugan ng mga taga-Isla Verde dahil inaaasahang bababa na rin ang carbon footprint ng lugar. Mataas kasi ang carbon footprint ng Isla Verde dahil sa paggamit ng diesel sa mga generator set nito na pinagkukuhanan nila ng koryente sa gabi.

Katulong ng Meralco sa proyektong ito ang lokal na pamahalaan ng Batangas, United States Agency for International Develop-ment (USAID), at ang Department of Energy (DOE). Hindi talaga maipagkakaila ang napakagandang epek­to kapag nagtutulungan ang iba’t ibang sektor ng ating lipunan. Napakaraming buhay ang mababago at mapapabuti dahil sa proyektong ito. Nawa’y dumami pa ang ganitong klaseng proyekto ng Meralco.

Malamang ay matutuwa rin dito si Pa­ngulong Rodrigo  Duterte dahil ang proyektong ito ay alinsunod sa kanyang kautusan sa pagbibigay ng koryente sa mga rural area sa bansa.

Sana ay magtuloy-tuloy pa ito hanggang sa ang lahat ng Filipino sa bawat sulok ng mundo ay makaranas na magkaroon ng koryente sa kani-kanilang mga kabahayan.