SOLAR POWERED IRRIGATION SYSTEM SA BENGUET INIREKOMENDA NI PIÑOL

SOLAR POWERED IRRIGATION SYSTEM

HINIMOK ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang mga opisyal ng mga bayan sa lalawigan ng Benguet na maghanap ng lugar na maaaring ga­wing water impounding area.

Sa pagbisita ni Piñol sa Benguet AgriPinoy Trading Center na matatagpuan sa La Trinidad, Benguet, ipinaliwanag nito ang mga dahilan kung bakit nagkukulang ang suplay ng tubig sa bansa.

Aniya, isang dahilan dito ay ang kulang na water management kaya’t hinihiling nito ang pakikiisa ng mga local government units (LGUs) sa Benguet para masolusyonan ang nasabing suliranin.

Iminungkahi rin ng kalihim ang paggawa ng Solar Powered Irrigation System sa bansa.

Naniniwala si Piñol na sa pamamagitan nito ay magiging sapat ang suplay ng tubig na gagamitin sa bansa kapag naranasan ng husto ang El Niño phenomenon.    BENEDICT ABAYGAR, JR.