Ni EDWIN CABRERA
TUNAY nga namang hindi maipagkakaila na sa mga nagdaang buwan ng taong 2020, labis na sinubok ang katatagan ng mga Filipino. Bukod sa pandemiyang hatid ng COVID-19, ilang sakuna’t delubyo rin ang nagpahirap sa ating mga kababayan. Tulad na lamang ng kamakailang hagupit na dala ng bagyong Ulysses. Matindi ang pinsalang dinulot nito sa buong bansa at ilan nga sa labis na naapektuhan ay ang mga lugar ng Cagayan, Catanduanes, Rizal, Pampanga at Marikina. Dagdag pa nga sa naging problema nila ay ang kawalan ng kuryente na nagpabagal sa pagbangon nila.
Bagamat hindi na bago sa atin ang ganitong isyu patungkol sa mga kalamidad, tila’y hindi nabibigyang pansin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sustainable source ng elektrisidad lalo’t higit sa mga malalayong lugar. Tiyak rin namang alam ng nakararami na ang kawalan ng consistent at reliable na kuryente ay labis na pumipilay sa pag-asenso ng isang bayan. Lalo na sa panahon ngayon kung saan ang trabaho, negosyo at pag-aaral ay labis na nakaangkla sa internet kung kaya’t ganun nalang kahalaga ang kuryente sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Filipino. Ngunit paano nga ba ito masosolusyunan?
Malamang sa malamang ay hindi ito ang unang beses na maririnig o mababasa ninyo ang kahalagahan ng Solar Power. Pero ano nga ba muna ang Solar Power? Ayon sa National Geographic, ang solar power o solar energy ay isang teknolohiya kung saan kinokolekta ang enerhiyang nakukuha mula sa sinag ng araw para magamit bilang alternatibo o pangunahing pinagkukunan ng kuryente. Ang paggamit ng solar energy ay labis ring makatutulong sa pagpapanatili ng ganda ng ating kalikasalan. Mahalaga itong pagyamanin sa ating bansa sa pagkat ang pagkakaroon ng teknolohiyang ito ang tiyak na magsisiguro ng sustainable, eco-friendly at reliable source ng elektrisdad sa bawat komunidad.
Sa iba’t ibang panig ng mundo, labis na itong ginagamit lalo na ng mga banyaga. Sa YouTube channel ng Tiny House Living, halos nubenta porsyento ng mga bahay na kanilang naitampok ay sustainable at off-the-grid na. Bukod sa seguridad sa kuryente, malaking tipid at dagdag savings rin ito kung sakaling mapagyayaman ng bawat pamilyang Filipino. Tama ang iyong nabasa, ka-negosyo! Ilang kumpanya na ang naglunsad ng paggamit ng solar power sa bansa. Isa na nga sa kilala ngayon ay ang SunSmart Solar Power Technology.
Ang SunSmart ay isang all renewable energy company na may layuning makapaghatid ng serbisyo sa bawat Filipino sa pamamagitan ng kanilang innovative, transformative at sustainable na solusyon mula sa iba’t ibang renewable energy sources. Labis na pinagyayaman ng SunSmart ang kanilang serbisyo mula sa research and development hanggang sa after-sales. Malawak na ang nabahagian nila ng teknolohiyang ito mula sa iba’t-ibang komunidad, pang-industriya, pang-komersyo, at kahit maging saa agrikultura. Tiyak na mas marami pa ang mahahatiran ng liwanag ang SunSmart lalo na at mas rumarami pa ang mga nagiging katuwang nila sa kanilang layunin mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa katunayan, kamakailan lang ng mailathala ang SunSmart isang artikulo ng Teal Magazine. Naitampok ang SunSmart nang ito ay nagpahatid ng tulong upang mas mapabuti ang distance learning ng mga mag-aaral sa Masbate. Nagbigay ang SunSmart ng solar power system sa isang remote public school sa Masbate bilang pagtupad na rin sa kanilang misyon na makapaghatid ng solusyon gamit ang sustainable energy para sa mga underserved na lugar sa bansa. Ito ay bahagi na rin ng kanilang corporate social responsibility at advocacy na may temang E.L.E.M.E.N.T.S or “Elevate Livelihood, Empower Mankind, Engage Nature Towards Sustainability.”
Wika nga ng Presidente ng SunSmart na si Jenny Lin Maaño – Ngai, “We at SunSmart highly values education and we believe that students and teachers in far-flung areas should not be left behind in the new normal way of learning. It is our fervent hope that by providing power, access to online education is within reach wherever you may be.”
Nakatutuwang isipin na kung ang lahat ng lugar sa ating bansa ay magkakaroon ng solar power, makatitiyak ang lahat ng Filipino na sa bawat sikat ng araw, hindi mawawalan ng pagkukunan ng enerhiya at masisiguro ang pag-asenso ng bawat isa; dumaan man ang kahit anong sakuna.
Comments are closed.