SOLENN AT JESSY NAGKAKAISA SA LAYUNIN NA LINISIN ANG KARAGATAN

SOLENN-JESSY

MAGKAIBA man ng kanilang ibi­nebenta sina Solenn Heusaff at Jessy Mendiola pero nagkakaisa namanhotshots sila ng layunin na linisin ang karagatan para mapanatili ang kalinisan ng mga beach sa ating bansa.

Idinisplay nga ni Solenn sa kanyang Instagram ang bathing suit na kanyang dinisen­yo para ibenta. Gawa sa recycled fishnets at plastic bottles ang bathing suit na kanya ring isinuot para makita ng lahat kung gaano ito kaganda.

Si Jessy ay ipinakita at ipinagmalaki naman ang suot na bracelet na mula sa plastic na galing sa dagat.

Ang proceeds ng mabebentang bathing suit ni Solenn ay gagamitin para malinis ang Palawan seas habang ang bracelet na galing dagat ni Jessy ay gagamitin para sa pag­lilinis ng coastlines ng karagatan.

Naniniwala rin sina Solenn at Jessy na matapos ayusin at linisin ang Boracay ay isusunod ng gobyerno ang iba pang lugar sa ating bansa na tambak ang basura sa karagatan.

Samantala, masa­yang-masaya si Solenn dahil napasama siya sa teleseryeng Abel at Cain nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo na malapit nang umere sa GMA 7. Makakasama rin niya si Sanya Lopez sa serye na balitang siyang ipapalit sa Victor Magtanggol ni Alden Richards oras na ito ay magtapos na.

Ayon pa kay Solenn, lahat ay gagawin niya basta kailangan sa istor­ya. Wala rin problema kay Solenn ang kissing scene at daring scene basta sa ikagaganda ng serye.

Kahit na may asawa na si Solenn ay hindi pa rin nawawala ang pantas­ya sa kanya ng mga barakong followers at tagahanga.

REGINE VELASQUEZ NAPUNO, NAGALIT SA BASHERS, GUSTONG MAGDEMANDA

NAPUNO at nagalit na si Regine Velasquez sa sunod-sunod na pamba-bash sa kanya dahil sa ginawa niyang paglipat sa ABS-CBN.

Sa kanyang Twitter account ay bonggang-bonggang sinagot na ni Regine ang mga basher ay nagbanta na gagawa na raw siya ng action laban sa cybercrime at cyberbullying.

Ipinost ni Regine sa kanyang Instagram ang masasakit na salitang ibinabato sa kanya ng isang basher at tila ‘yun ang nag-trigger sa Songbird para tulu­yang magalit.

“Yes focus kami sa mas bata na hindi balyena ang katawan and hindi basag na lata ang boses. Buti na lang walang acid reflux si Golden,” ang comment ng basher.

Sinagot ito ni Regine na, “My dear mag-ingat ka sa mga sinasabi mo.”

Sa kanyang Twitter account na nga ipinahayag  ni Regine ang kanyang galit.

“Again. WORDS  ARE VERY POWERFUL. Hindi porke’t hindi ako nagsasalita,  e, ok lang na bastusin n’yo ko. Hindi kayo ang iniwan ko!!!

“Can someone enlighten me about cybercrime please. I think it`s  about time we put these kind of people to jail. You think it`s only words that you don’t  really hurt us well you`re  wrong. #NoToCyberBullying.

“Dapat hindi na ito pinapalampas hindi natututo, e sobra na. Can you imagine if this is our kids!!! Oh my gosh!!! Kung ako ang tandang ko ito naaapektuhan pa’no pa ‘yung mga bata. Please someone help me with this.

“Just want  to make this clear hindi ako pumapatol. I want to teach these people a lesson. #NoToCyberBullying,” ang sunod-sunod na tweets ng Songbird.

Dahil sa sobrang apektado na si Regine ay tila desidido na siyang magsampa ng demanda laban sa kanyang bashers.