NATUWA ang fans and friends ng mag-sister-in law na sina Solenn Heussaff at Anne Curtis nang mag-post si Solenn sa kanyang Instagram wall na magkasama sila ng hipag at kita na ang kanilang mga baby bumps. Si Solenn ay 7 months preggy na at si Anne na-man ay five months preggy na rin.
@solenn 4 humans in a photo. Happy to grow with you @annecurtissmith.
Nakakuha ng more than 844 thousand views ang post ni Solenn at almost 14 thousand comments mula sa mga friends at mga kasama nila sa showbiz, both from the Kapamilya at Kapuso networks, na masayang-masaya para sa maghipag.
NETIZENS NAG-REACT SA BINTANG NI CHESKA DIAZ KAY ALDEN
NAG-REACT ang netizens na sumusubaybay gabi-gabi sa inspirational drama series ni Alden Richards, ang “The Gift.” Last Friday evening kasi, nakuha na ang bangkay ni Faith (Thia Thomalla). Nakita ni Sep (Alden) ang mangyayari kay Faith kaya sumunod sila ni Amor (Mikee Quintos) sa morgue.
Dumating doon ang ina ni Faith (Cheska Diaz) at nang makitang patay na ang anak, si Sep ang pinagbalingan niya at sinaktan. Pinagbintangan niyang si Sep ang pumatay at ipinahuli niya sa mga puilis.
Galit ang reaction ng mga manonood, paano raw papatayin ni Sep si Faith at iiwanan ito sa isang lugar. Kahit ang writers ng serye ay sinabihan na mga ‘tanga’ raw dahil bulag si Sep at paano ito papatay. Nagalit din sila kay Cheska sa pananakit kay Sep.
Napanonood ang “The Gift” after ng “Beautiful Justice.”
o0o
“ADAN” ang first movie team-up nina Cindy Miranda, Bb. Pilipinas Tourism 2013 at Rhen Escano, 2016 Cinema One Originals Film Festival Best Supporting Actress nominee na “Si Magdalola at ang mga Gago.”
Ayon kay Director Yam Laranas na siyang nag-conceptualize ng tinawag niyang erotic-thriller movie, pinatunayan niyang tuloy pa rin siya sa paggawa ng mga provocative stories, tulad ng mga una na niyang ginawa. Kaya nga sabi niya, ang “Adan” ay story ng love, lust at lies.
Sa mediacon, inamin ni Cindy na seryoso siya sa pag-arte, at hindi siya nailang sa torrid kissing scenes nila ni Rhen, dahil alam niyang part iyon ng role niya. Si Rhen naman, inihanda raw niya ang sarili nang malaman ang story ng pag-iibigan ng dalawang babae. “Nag-workshop kami ni Cindy, kailangan ba si Adan ng dalawang babae? Nagbigayan kami ni Cindy sa mga eksenang ipinagawa sa amin at natuwa kami nang sabihin nina Direk Yam at Direk Roman na may unbelievable chemistry kami.”
Biniro si Cindy, paano raw kapag tinanggal siya sa Binibining Pilipinas dahil sa pagtanggap niya ng ganitong role?
“Gusto ko pong imbitahing manood ang mga kasama ko sa Binibining Pilipinas sa premiere night namin. Kahit po nila ako alisin, gusto ko namang maging isang mahusay na artista.”
Ang “Adan” ay mapanonood na in cinemas nationwide.
Comments are closed.