SOLENN HEUSSAFF FOREVER BABY NG KANYANG PAMILYA

HANGGANG wala pa rin namang anak ay nananatili pa rin si Solenn Heussaff na babywallface forever ng Heussaff family. Kahit pa nasa 2nd year na ng kanilang wedding sina Solenn at ang mister na si Nico Bolzico at may sariling tahanan na rin naman ang dalawa sa isang condominium sa Taguig City ay palagian pa ring umuuwi ng kanilang bahay sa Makati City si Solenn every Sunday.

Isang dahilan ni Solenn kung bakit binabalik-balikan niya ang bahay na kinalakihan na niya ay ang swimming pool. Mahilig kasing maligo sa swimming pool si Solenn at nagagawa niya lang ito sa bahay ng kanyang magulang tuwing Linggo. Wala raw kasing swimming pool sa kanilang condo na tinitirhan ngayon ng mister.

Isa rin sa dahilan kung bakit may araw na nakalaan si Solenn sa bahay ng kanyang parents ay ang hilig niya sa pagpinta. Karamihan sa mga nagawang obra maestra ni Solenn ay pininta niya sa tahanang kinalakihan. Ani ni Solenn, ‘pag siya raw ay nagpipinta ay gustong-gusto niya ang araw na nasisilayan mula sa balkonahe ng bahay ng kanyang magulang. At mas lalo siyang nagiging inspired na magpinta. Pagdating naman sa kanyang showbiz career, abala ngayon sa pelikula si Solenn at sa weekly show niyang “Taste Buddies” ng GMANewsTV kasama si Rhian Ramos.

Samantala, kahit nasa bandang dulo na ng “The One That Got Away” pumasok ang byuti ni Solenn ay masaya naman ang Kapuso sexy actress dahilan sa mainit na pagtanggap ng mga mano­nood dito hanggang sa huling gabi. Mami-miss na ang pambansang pampa-good vibes na “The One That Got Away” dahil hindi nito binigo ang mga manonood sa bongga at exciting na finale at marami na ang humihirit ng part 2!

JERIC GONZALES SUSUNOD NA RYZA CENON?

JERIC GONZALESSOBRANG napamahal na kay Jeric Gonzales ang kanyang role sa top rating primetime show ng GMA7 na “Kambal Karibal” pero kahit matagal-tagal pa rin ang tatakbuhin ng naturang teleserye ay ‘pinatay’ na ang karakter ni Jeric na si Makoy.

Kaya hindi maalis na bumigat ang kalooban ng young actor nang sabihan siyang ‘mawawala’ na si Makoy sa “Kambal, Karibal”. Para kay Jeric kasi ay siya na si Makoy, ang karakter na nagmahal ng todo-todo hanggang sa huling sandali. Kung kaya nang mamaalam ang karakter ni Jeric ay nagbigay ng isang ‘salute’ si Jeric sa kanyang karakter sa pamamagitan ng pagpopost sa isang social media account..

“Thank you, Makoy Parekoy!!! All the love for you!!! Until the end you show the true meaning of love. There’s no condition and there’s no hard way to show love, it’s just you have to do it, you have to give it and you have show it no matter what while you can still do it and you’re still breathing and you show it to us, parekoy, hanggang huli! Kaya maraming salamat Parekoy!!! The best ka!!! We salute you. –@jericgonzales07”

Kinakailangan na raw kasing ‘patayin’ ang role ni Jeric sa “Kambal Karibal” para ipasok naman ang kanyang karakter sa bagong teleseryeng pagbibidahan ng magsyotang Jake Vargas at Inah de Belen kasama ang nagbabalik-Kapuso na si Gelli de Belen, ang “Ika 5 Utos” kung saan ay mas malaki ang role na gagampanan ni Jeric at posibleng ma­ging daan para tuluyan nang mapansin ang young actor sa industriya.

No less than direk Laurice Guillen ang magiging direktora ngayon ni Jeric, na siya rin ang director ng super hit na “Ika 6 Na Utos” na nagbigay ng malaking pangalan para kay Ryza Cenon. May nagsasabing baka si Jeric na nga ang lalaking Ryza Cenon?

9 thoughts on “SOLENN HEUSSAFF FOREVER BABY NG KANYANG PAMILYA”

  1. Hello! I just want to supply a massive thumbs up to the wonderful information you’ve here for this post. I’ll be returning to your blog post for additional soon.

  2. Hello, I think your site might be having browser compatibility issues. When I look at your website in Safari, it looks fine but when opening in Internet Explorer, it has some overlapping. I just wanted to give you a quick heads up! Other then that, very good blog!

  3. I randomly browse blogs on the internet, and that i discover your article to be very informational. I have already bookmark it on my browser, in order that I can read your blog publish once more later. Additionally, i am wondering whether or not or not your weblog is open for link exchange, as i actually need to trade links with you. I don’t normally do that, but I hope that we are going to have a mutual hyperlink exchange. Let me know and have an ideal day!

  4. Great paintings! That is the type of info that are meant to be shared around the web. Shame on Google for no longer positioning this submit higher! Come on over and seek advice from my site . Thanks =)

  5. Hello there, just became alert to your blog through Google, and found that it’s truly informative. I am gonna watch out for brussels. I will be grateful if you continue this in future. Many people will be benefited from your writing. Cheers!

  6. two. You should invite your viewers to write remarks and tips. Regardless if or not their comments and ideas are good or terrible it doesn’t make a difference as any comment is of appeal and should be taken care of as such.

Comments are closed.