SOLENN HEUSSAFF ITINAGO ANG PAGBUBUNTIS SA KANYANG PAMILYA

SOLENN HEUSSAFF

HALOS isang taon din pala sinubok ng mag-asawang Solenn Heusaff at Nico hotshotsBolzico na magka-anak bago sila nakabuo ng baby.

Pagtuntong  niya ng edad na trenta (30 years old) ay plano na talaga  ni Solenn  na magkaroon ng anak.

“It`s  not like it was a surprise or an accident or whatever. I`m 34 also,  so it`s  that  time. I`ve always wanted a kid in my late 30s. I`m not the type that wanted to start early even if I knew that, okey, so many people tell you the older you get, the harder it is. But for me, If you`re not ready, you`re  not  ready even if you`re never ready,” say ni Solenn.

Every month daw ay nagtse-check sila ni Nico kung nakabuo na ba sila ng baby. Nagpatingin na rin raw si Nico sa doctor baka ito ang may problema kaya hindi sila makabuo ng baby.

“Every month we were disappointed. Apparently, the more you want, the less it happens. And then parang towards March, I was taking hormone pills kasi medyo slow ako down there.

“Nico  got himself checked, I got myself checked. Went to the doctor, saw a specialist. I was even planning, “Okey, if by the end of the year there`s none, maybe, let`s do IVF or something. `Like I really wanted this year.”

Nang mag-positive na nga raw ang pregnancy test niya ay nasa Japan naman daw ang husband niyang si Nico kaya pinadalhan na lang niya ng photo ng pregnancy test ito.

Tatlong buwan nga raw muna itinago ni Solenn sa kanyang pamilya ang pagbubuntis.

Inihayag lang niya ang pagbubuntis last August 10 via Instagram.

MARK HERRAS NAPIKON SA PAMBA-BASH SA KANYANG GIRLFRIEND

HINDI naitago ni Mark Herras ang pagkapikon sa mga pamba-bash na natatanggapMARK HERRAS nila ng bagong girlfriend na si Nicole Donesa sa social media. Talagang sinasagot niya ang mga pamba-bash at tinawag niyang “ul*l” ang bashers.

Ipinost kasi ng GMA Network, ang pagkumpirma ng relasyon nina Mark at Nicole na nagkasama sa katatapos lamang na seryeng Bihag.

May natuwa at mayroon din nega ang da­ting sa ilang netizens ang pagiging magdyowa nina Mark at Nicole.

“Naku parang si Luis Manzano lang ‘yan papalit-palit, parang damit lang  ‘pag nagsawa na. Walang forever,” comment ng isang netizen.

Sinagot  ito ni Mark ng, “Ul*l.”

Ang isang basher naman ay ikinumpara si Mark kay Gerald Anderson,” Budoy ng GMA 7 ‘yan, kaya matulis..lol,” comment nito.

Sagot ni Mark, “Ul*l” bulol  ako,  hindi Budoy.”

Nilait naman ng isang basher ang hitsura ni Nicole, “Mahilig talaga sa chaka si Mark,” comment nito na hindi naman pinalampas ni Mark.

“Ul*l  ul*l  ul*l,” react ni Mark sa comment.

May nagtanggol naman kay Mark na hindi raw dapat ikumpara ito kay Gerald dahil naging maayos ang paghihiwalay nila ni Winwyn Marquez.

In short, talagang may closure ang break-up nina Mark at Winwyn, ‘di ba?