SOLENN HEUSSAFF NAGBIGAY NG WORKOUT TIPS SA NEW MOMMIES

SOLENN HEUSSAFF

AYON kay Kapuso actress Solenn Heussaff, may mga ups and downs din siyang pinagdaanan noong ipinagbubuntis niya ang kanilang baby showbiz eyegirl ng husband na si Nico Bolzico, si Thylane. And after four months, nagsi-share na siya ngayon ng kanyang pagwo-workout sa mga mommy na tulad niya ay kapapanganak lamang.

Share ni Solenn sa kanyang Instagram post, “To my postpartum peeps, here’s a quick workout you can do.  Of course, listen to your body and avoid certain movements if you feel pain (ask your OB).  One step at a time.  A little everyday goes a long way.  What’s important is the breathing exercises, bago gumawa ng mga mas challenging workouts.”

Ipinakita rin ni Solenn sa kanyang Instagram story ang bikini cut mula sa kanyang caesarean section delivery at visible pa rin ang kanyang linea nigra.  Hopefully raw ay ma-inspire din niya ang ibang mommies na tulad niya na bumalik sa pagiging active and fit after giving birth.

Sa ngayon, hands-on sila ni Nico sa pag-aalaga kay baby Thylane.

 

SUMMER TRIPS WITH DREW ARELLANO HABANG ECQ

SUMMER ngayon at kung wala tayong enhanced community quarantine (ECQ), tiyak na kung saan-saang tourist destinations na tayo DREW ARELLANOnagbabakasyon.  Don’t worry, puwede naman ninyong makita ang mga lugar na gusto ninyong puntahan, sa loob ng inyong mga tahanan.  Twice a week, puwede ninyong mapanood ang travel show ni Drew Arellano, ang “Biyahe ni Drew” na nagpi-feature ng magagandang lugar at ang masasarap nilang pagkain doon, hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa iba pang lugar abroad.

Bukod sa GMA News TV, pansamantala ring mapapanood ang “Biyahe ni Drew” sa GMA-7, at magkaibang lugar ang ipi-feature ni Drew.  Every Friday, tumutok sa GMA News TV at 8PM at pagkatapos sa GMA-7 at 11:30PM.

 

GMA ARTIST CENTER BUMUO NG BAGONG ONLINE SHOWS

MUKHANG nasasanay na ang ating mga televiewers sa pagpanood ng online shows, dahil hindi pa makabalik sa taping ng mga teleseryesGMA ARTIST CENTER dahil sa umiiral na ECQ.  Kaya ang GMA Artist Center, bumuo ng mga bagong online shows, titled #Artist Hideout! na mapapanood sa kanilang Facebook at YouTube channel.

Today Thursday, mapapanood ang “Yummy Thursday” to be hosted by Arra San Agustin at 3PM.  Nauna rito ang “Parekuys” at 8PM tuwing Martes at “Wednesday Coolitan” hosted by Tetay Ocampo, at 3PM.

Two weeks lamang silang mapapanood at susundan naman ito ng ibang shows ng mga GMAAC artists, isa rito ay tatampukan ni Alden Richards.

 

GMA NETWORK NILINAW NA NAKAPAG-RENEW NG FRANCHISE BAGO PA MAG-EXPIRE

NILINAW ng GMA Network, Inc. ang usapin tungkol sa prangkisa nito matapos itong maiugnay sa kasalukuyang kalagayan ng kapwa broadcast network na ABS-CBN.

Dating kilala bilang Republic Broadcasting System, Inc., nakuha ng GMA Network ang orihinal nitong 25-year franchise sa pamamagitan ng Republic Act No. 7252 o “An Act Granting the Republic Broadcasting System, Inc. a Franchise to Construct, Install, Operate and Maintain Radio and Television Broadcasting Stations in the Philippines.”

Naisabatas ang nasabing Republic Act noong Marso 20, 1992 at naging epektibo noong May 12, 1992 – labinlimang (15) araw pagkatapos itong maipalabas sa Official Gazette noong April 27, 1992. Samakatuwid,  valid ang  nasabing prangkisa hanggang  May 12, 2017.

Noong April 21, 2017,  22 araw bago mag-expire ang orihinal na prangkisang Network,  nilagdaanni President Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 10925 o “An Act Renewing For Another Twenty-Five (25) Years The Franchise Granted To Republic Broadcasting System, Inc., presently known as GMA Network, Inc., Amending For The Purpose Republic Act No. 7252, Entitled An Act Granting The Republic Broadcasting System, Inc. a Franchise to Construct, Install, Operate and Maintain Radio and Television Broadcasting Stations in the Philippines.”

Pinabulaanan ng GMA ang mga ulat na nagsasabing patuloy itong nag-operate kahit nag-expire na ang franchise nito. Sa katunayan, na-renew ang prangkisa nito nang mas maaga pa sa naitalang expiry date.

 

PAHAYAG NG ABS-CBN TFC TUNGKOL SA KANILANG OVERSEAS PROGRAMMING

 

INISYUHAN ng Philippine entertainment and broadcasting company ABS-CBN Corporation (ABS-CBN), nitong  Mayo 5, 2020, ng cease and ABS-CBNdesist order ng National Telecommunications Commission (NTC) na nagbabawal sa ABS-CBN na magpatuloy ng kanilang broadcast on free-to-air TV and radio sa Pilipinas na ginawang epektibo kaagad.

Para sa Filipinos overseas, ang ABS-CBN sa pamamagitan ng kanilang international subsidiaries at flagship channel TFC ang kanilang naging tulay para sa kanilang Kapamilya dito at pinanggagalingan ng komprehensibo at napapanahong balita at kasiyahan.

Sinisiguro ng  TFC  ang kanilang subscribers sa buong mundo  na sila ay mananatili at  patuloy  na magdedeliver ng napapanahong balita at impormasyon, TV shows at mga pelikula sa pamamagitan ng kanilang iba’t ibang channels at platforms via cable at satellite, IPTV, at TFC Online.

Tulad n gaming naunang pahayag, naniniwala kami na ang Philippine government ay magdedesisyon sa  aming prangkisa sa pinakamagaling ng interes ng sambayanang Filipino, at kinikilala ang bahagi ng ABS-CBN sa pagsisikap na makapagbigay ng pinakahuling balita at impormasyon lalo na sa panahong tayo ay nalalagay sa krisis.

Patuloy kami sa aming pangako na magserbisyo sa mga Filipino sa buong mundo.

2 thoughts on “SOLENN HEUSSAFF NAGBIGAY NG WORKOUT TIPS SA NEW MOMMIES”

  1. 399203 627942Hi there! This is my 1st comment here so I just wanted to give a quick shout out and tell you I really enjoy reading your blog posts. Can you recommend any other blogs/websites/forums that cover the same topics? Appreciate it! 161439

Comments are closed.