MAS nakilala si Solenn Heussaff sa pagiging isang sweet and kikay girl sa mga teleserye, at siyempre pa sa pagiging sexy niya pero sa pinakabagong soap na gagawin ni Solenn na “Abel at Cain”, kakaibang Solenn ang mapanonood ng kanyang mga follower, super kontrabida ang karakter ni Solenn.
Hindi raw ito tulad ng nauna niyang role na kontrabida na may kasamang komedi, sa “Abel at Cain” nina Dennis Trillo at Dingdong Dantes, ay talagang ikakagalit na nga raw ng manonood ang kanyang pagiging bad. Dedma na lang si Solenn sa mga matatanggap niyang bash kung sakali man mapanood na ng masa ang bago niyang teleserye, inihanda na raw niya ang kanyang sarili para sa bagay na ito.
Ang mahalaga ngayon para kay Solenn ay subukan ang lahat ng klase ng role na puwede niyang i-explore. First time para kasi sa sexy actress na lumabas na isang all-out kontrabida and she takes it as a challenge. Mas lalong naging inspired si Solenn sa kanyang bagong karakter dahilan sa mga bigatin niyang kasamahan sa “Abel at Cain”.
RITZ AZUL WALA PA RING PLANONG MAGKA-BF
AMINADO si Ritz Azul na at her age now na 24 years old ay No Boyfriend Since Birth o NBSB pa rin ang kanyang byuti. Kaya marami ang napapahanga sa young actress kung saan siya humuhugot ng inspirasyon para sa kanyang mga love scene tulad na lang sa bago niyang movie na ginagawa katambal ang isang komedyante.
Ani ni Ritz, malaki ang tulong na naibigay ng mga love scene niya sa dating mga teleseryeng ginawa mula pa noon sa TV 5 hanggang sa ABS CBN 2. At nagpapasalamat din si Ritz na pawang mga propesyonal actor ang kanyang nakakaeksena sa love scenes. Pagdating naman sa kanyang personal na buhay, ganun pa rin daw hanggang ngayon, NBSB pa rin pero ang pakakaiba na nga lang daw ngayon ay may suitor na siyang medyo may dating sa kanya at madalas na rin niyang nakaka-date, Hindi pa raw niya ito sinasagot hanggang sa ngayon at feel ni Ritz na hinay-hinay pagdating sa pakakaroon ng first boyfriend.
Comments are closed.