HINDI pinapansin ng Kapuso actress na si Solenn Heusaff ang kanyang mga basher na pinapansin ang kanyang pigura lalo na roon sa mga lumalait na walang ‘butt’ ang TV host-actress.
“Wala akong magagawa, lumabas akong ganito sa katawan ng mommy ko,” sey niya.
Dagdag pa niya, kontento naman daw siya sa hitsura niya at wala siyang balak na magpa-enhance ng kanyang butt para lamang mapagbigyan ang kapritso ng kanyang mga detractor.
“Kumportable naman ako sa sarili ko. Tapos, lalaki pa iyan ‘pag naging mas matanda na ako o may baby na,” aniya.
Dinadaan na lang daw niya sa mga positibong bagay ang mga namba-bash sa kanya sa social media.
“Alam naman ng mga tao na nagdyi-gym ako everyday. Hindi naman goal ko na malaki ang puwet. Mas gusto ko maging healthy and to have a healthy lifestyle,” hirit niya.
Si Solenn ay kasama sa cast ng Kapuso teleseryeng “Cain at Abel” kung saan ginagampanan niya ang papel ni Abigail Mar-cial-Larrazabal.
NASHLENE MULING MAGTATAMBAL
PAGKATAPOS nilang magtambal sa suspense thriller movie na “The Class of 2018” noong nakaraang taon, muling mapan-onood sina Nash Aguas at Sharlene San Pedro sa “The Gift”.
Ang “The Gift” na idinirehe ni Onat Diaz ay malapit nang matunghayan sa digital format sa IWant na iprinudyus ng Dream-scape Entertainment.
Magandang follow-up ito at treat sa kanilang fans na hanggang ngayon ay interesado pa rin sa kanilang love team.
PACMAN-MAYWEATHER MAY REMATCH?
MARAMING boxing afficionados ang nag-react nang makita sa social media ang muling pagkikita ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng pinakamahigpit niyang kalaban sa arena na si Floyd Mayweather.
Nangyari ito nang magkita sila kamakailan sa “Filipino Heritage Night” na ginanap sa Staples Center sa basketball game ng Los Angeles Clippers sa California.
Si Pacquiao pa mismo ang lumapit upang batiin upang kamayan ang kanyang naging opponent sa Fight of the Century na ginanap sa Las Vegas noong 2015 kung saan tinalo ni Mayweather ang pride of Saranggani.
Dahil dito, maraming espekulasyon na posibleng magkaroon ng rematch ang dalawang magaling na boksingero.
Pagkatapos ng panalo niya kay Lucas Matthyse noong Hulyo ng nakaraang taon, muling sasabak sa boksing si Pacman kay Adrien Broner para idepensa ang kanyang WBA regular welterweight title na idaraos sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas sa Enero 19.
Comments are closed.