ISA lang si Solenn Heusaff sa mga artista na naipit sa traffic dahil sa baha na dala ng habagat last August 11. Pero ang ikinagulat ng sexy actress ay ang mga basurang nagkalat sa gitna ng Roxas Boulevard.
Sa IG stories na ipinost ni Solenn ay nagtaka ito kung bakit sobrang traffic sa may Roxas Blvd that time, samantalang maaga naman siyang bumiyahe sa kalsada. Laking gulat niya nang makita ang nagkalat na basura sa kalsada.
Hindi na napigilan ni Solenn ang madismaya at malungkot na nakitang mala-dagat na basura sa kahabaan ng Roxas Blvd. Ipinost niya ito para raw magawan ng solusyon kung paano maiiwasan at kung ano-ano pa raw ang inuunang asikasuhin ng gobyerno.
“Philippines WAKE UP! Ito ba yung gusto n`yo para sa bansa natin? Para sa mga anak ninyo? Issues like this are more important than the ‘bawal ang single’ sa car rule.
“Stop single-use plastic/dispose of plastic property to recycle, educate your kids, barangays to educate the parents! Government add bins everywhere! And FINE people for realz when they litter.”
Isa lang si Solenn sa mga tao nagmamahal sa ating environment, kaya nga nang makita ang sangkatutak na basura ay nalungkot ito at nanghinayang sa ganda ng bansa pero sinisira lang ng mga taong iresponsable at walang pakialam sa paligid.
Samantalang masaya si Solenn dahil isa siya sa leading lady na napili bukod kay Sanya Lopez para makasama nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo sa seryeng Cain at Abel.
Paminsan-minsan din nag-guest si Solenn sa Bubble Gang na napapanood every Friday sa GMA.
ALICE DIXSON INAMIN NA RESIDENTE NG BORACAY
FINALLY, inamin na rin ni Alice Dixson na residente nga siya ng Boracay kaya walang problema kung makita siyang nasa naturang beach na bawal pa rin puntahan ng mga tao at turista kahit under rehabilitation pa ito hanggang ngayon.
Ayon kay Ms Alice, may karapatan daw siya magpunta ng Boracay at magpakuha ng larawan sa nasabing isla. Dahil na rin sa naturang larawan ay nabunyag na nagpakasal na siya sa isang executive ng isang high-end resort sa Boracay kaya walang problemang makita siyang naglalakad at magpakuha ng larawan sa nasabing beach.
‘Yun din ang dahilan kaya siya kinuyog sa social media, na kung saan nakatanggap siya ng katakot-takot na bashing na hindi niya inaasahan dahil natuwa lang daw siya na nagso-solo sa lugar at kung saan din siya nagpalipas ng kanyang kaarawan.
“Yes, I did post some pictures in Instagram because natuwa lang ako, because nobody was on the beach when I was there. And I know never ‘yun mangyayari uli sa buhay ko,” aniya sa interview sa kanya ng mga reporter.
Feeling niya raw ay napakalaki ng kasalanan nagawa niya na kung tutuusin ay wala naman siyang nagawang pagkakamali.
“I didn’t feel that I need to explain my personal life to the whole world, but now that it happened, alam na ninyo!” pagkumpirma pa ni Ms Alice kinainisan sa Ang Probinsiyano dahil sa ginagawang sobrang pagmamahal sa may sakit na anak na ginagampanan ni JC Santos sa serye ni Coco Martin.
JENNYLYN UNANG FILIPINO AMBASSADOR NG ISANG MAKEUP BRAND
KUNG hindi kami nagkakamali ay si Jennylyn Mercado ang unang Filipino brand ambassador ng isang makeup brand. Bongga nga ang pagwe-welcome sa actress sa bago niyang endorsement.
Ipinost nga ni Jennylyn ang pagpirma niya ng kontrata at iba pang picture sa naganap na contract signing at may hawak pa siya na may nakasulat na, “Jennylyn X Max Factor” at nag-comment pa siya na, “Extremely happy and grateful to be part of a new family.”
Matapos ang bakasyon nila ni Dennis Trillo sa Cambodia ay isang magandang regalo nga kay Jennylyn ang maging endorser ng naturang make up brand.
Habang wala pang project si Jennylyn ay magiging busy naman si Dennis para sa bago nitong serye na Cain at Abel kasama si Dingdong Dantes. At malapit na ring simulan ni Dennis ang pelikulang pagsasamahan nila ni Kim Chiu.