WALANG nilabag na legal ethics si Solicitor General Jose Calida at ang Manila Times reporter na si Jomar Canlas.
Ito ang pahayag ni Atty. Larry Gadon
Sinabi ng abogado na ang “Reflections” na isinulat ni Suoreme Court Associate Justice Marivic Leonen na pilit umanong nang-iimpluwensiya sa ibang SC Justices na i-dismiss ang PET protest ni dating senador Bongbong Marcos, Jr. ay hindi maituturing na isang official document na bahagi ng records ng petition. “Dahil noong sinulat ito at ipinamahagi ng July 2017 sa mga justices si Leonen ay HINDI PONENTE ng petition. Si Caguioa ang ponente, maliwanag na si Leonen ay guilty for acts of exerting undue influence to the other justices. Kung tutuusin, si Leonen ang may dapat panagutan bukod sa pagpapakita ng extreme bias agaisnt BBM , Marcos family , associates and friends,” oahatag pa ni Gadon.
Ang ” reflections” ay hindi official na record ng petition kaya wala umanong nilabag na leakage.
Giit niya, hindi rin puwde na akusahan si Solgen Calida na siya ay kumikiling kay BBM . Ang layunin nya ay umandar ang proseso ng petition dahil karapatan ng taumbayan na malaman ang katotohanan. Hindi sinasabi ni Solgen Calida na ipanalo ng SC si BBM bagkus ay gawin ang proseso ng walang bias at prejudgment.
Sa parte naman ng mamamahayag na si Canlas,. bahagi aniya ng press freedom ang pag- ulat ng mga kaganapan at hindi naman siya nag- udyok ng paglaban sa pamahalaan, hindi nag udyok na gumawa ng krimen ang publiko , hindi siya nag- udyok na huwag igalang ang Supreme Court. Ang ginawa niya ay malayang pamamahayag .
Comments are closed.