INANGKIN ng defending champion Ateneo ang solong liderato nang igupo ang University of the Philip-pines, 83-66, sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.
Nagpakawala si Thirdy Ravena ng double-double effort na 21 points at 11 rebounds upang mainit na simulan ng Blue Eagles ang second round.
Nadominahan ng Ateneo ang Katipunan rival sa second half upang itarak ang ikaanim na panalo sa walong laro.
Tumipa si Tyler Tio, naging starter sa unang pagkakataon sa torneo, ng 12 points at 5 assists, habang umiskor sina Raffy Vera-no at Jolo Mendoza ng tig-10 points.
Sa unang laro ay nakaulit ang University of Santo Tomas (UST) laban sa Far Eastern University (FEU).
Sa likod ng muling pagputok ni Zach Huang, katuwang si rookie big man Germy Mahinay, ay sinakmal ng Growling Tigers ang Tamaraws, 78-70.
Ito ang ikatlong sunod na panalo ng UST sa torneo upang umangat sa 4-4.
“We played well. Again, we executed our game plan. Lumabas ang mga laro ng mga bata. We’re grate-ful na kung ano ‘yung mga pinaghandaan namin, lumalabas sa laro,” wika ni UST coach Aldin Ayo, na napantayan na ang win total ng kanyang predeces-sor, si Boy Sablan, sa nakalipas na dalawang taon.
Umakyat ang UST sa 4-4 sa solo fifth spot, kalahating laro na lamang ang pagitan sa La Salle sa karera para sa huling ‘Final Four’ berth.
Iskor:
Unang laro
UST (78) – Huang 20, Lee 17, Subido 14, Mahinay 10, Cansino 5, Bataller 4, Caunan 2, Marcos 2, Bonleon 2, Cosejo 2, Za-mora 0, Agustin 0.
FEU (70) – Escoto 12, Tolentino 11, Orizu 8, Stockton 8, Gonzales 7, Cani 6, Eboña 6, Comboy 5, Parker 3, Iñigo 2, Bayquin 2, Tuffin 0.
QS: 23-19, 37-33, 49-49, 78-70
Ikalawang laro
Ateneo (83) – Ravena 21, Tio 12, Verano 10, Mendoza 10, Asistio 9, Kouame 9, Mamuyac 6, Belangel 4, Go 2, Navarro 0, Black 0, Wong 0.
UP (66) – Akhuetie 20, Desiderio 16, Manzo 8, Gomez de Liaño Ju. 5, Gomez de Liaño Ja. 4, Dario 3, Jaboneta 2, Prado 2, Murrell 2, Vito 2, Gozum 2, Spencer 0, Lim 0
QS: 18-15, 35-29, 54-48, 83-66
Comments are closed.