CREAMLINE COOL SMASHERS: Target ang solong liderato vs Cignal. PVL PHOTO
Standings W L
Creamline 5 1
Choco Mucho 5 1
PLDT 5 1
Cignal 4 1
PetroGazz 4 2
Chery Tiggo 4 2
Akari 2 4
Farm Fresh 2 4
Galeries Tower 2 4
Nxled 1 4
Capital1 1 5
Strong Group 0 6
Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
2 p.m. – Capital1 vs PetroGazz
4 p.m. – Nxled vs Chery Tiggo
6 p.m. – Creamline vs Cignal
SASALANG ang Creamline sa mapanghamong showdown laban sa Cignal sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference ngayon sa Philsports Arena.
Asahan ang mainit na bakbakan sa pagitan ng dalawang powerhouse teams na hangad na palakasin ang kanilang semifinal bids sa pagpasok nila sa krusyal na bahagi ng single round preliminaries kung saan ang bawat laro ay mahalaga.
Magsasalpukan ang Cool Smashers at HD Spikers sa alas-6 ng gabi sa huling laro ng three-match bill bago magpahinga ang liga para sa Lenten holidays.
Sa 5-1, ang Creamline ay tabla sa Choco Mucho at PLDT sa ibabaw ng standings at target ng defending champions ang solo lead.
Subalit determinado rin ang Cignal, nag-iisa sa fourth na may 4-1 kartada, na kunin ang panalo upang ipuwersa ang three-way tie sa liderato.
Makakaharap ng PetroGazz, babawi sa pagkatalo sa kanilang huling laro, ang Capital1 sa 2 p.m. curtain raiser.
Makakasagupa naman ng Chery Tiggo, galing sa back-to-back big wins, ang Nxled sa alas-4 ng hapon.
Ang Angels at Crossovers ay may magkatulad na 4-2 records.
Sa kanilang pagpasok sa kalagitnaan ng kanilang kampanya, ang Solar Spikers (1-5) at Chameleons (1-4) ay kailangang magsimulang makaipon ng panalo kung nais nilang manatili sa semifinals race.
Aminado si Tots Carlos sa commitment ng koponan sa sistema ni coach Sherwin Meneses kasunod ng kanilang pagkatalo sa Chery Tiggo noong nakaraang March 16.
“We went back to basics in training. Coach emphasized our system, which we momentarily lost sight of,” sabi ni Carlos.
Umaasa ang HD Spikers na maging consistent kapwa sa opensa at depensa upang mamayani laban sa Cool Smashers.
Ang Creamline ay galing sa 25-18, 25-14, 25-15 panalo laban sa Capital1, habang umaasa ang Cignal na masundan ang 25-7, 25-16, 25-16 win kontra Strong Group Athletics.