SOLO LEAD SA CONVERGE

Mga laro sa Miyerkoles:
(Philsports Arena)
3 p.m. – Blackwater vs San Miguel
5:45 p.m. – TNT vs NLEX

NAHILA ng Converge ang kanilang unbeaten run sa PBA Governors’ Cup makaraang maitakas ang dikit na 111-109 panalo kontra Magnolia nitong Linggo sa Ynares Center sa Antipolo City.

Sa panalo, ang FiberXers ay umangat sa 3-0 kartada upang kunin ang solong liderato sa torneo habang nahulog ang Hotshots sa 0-1.

Muntik masayang ng FiberXers ang 14-point lead sa final quarter, subalit naitakas ang panalo makaraang magmintis si Magnolia import Erik McCree sa potential game-winning three-pointer sa buzzer.

Nagbuhos si Converge import Jamaal Franklin ng 26 points, 13 rebounds, at 7 assists, bagama’t gumawa rin siya ng 6 turnovers. Nag-ambag si Maverick Ahanmisi ng 22 points, habang tumipa si Alec Stockton ng 18 points.

“What we did right now was, our approach was very general. So kung ano ‘yung ginagawa namin na regular, ‘yun lang ang ginawa namin,” sabi ni Converge coach Aldin Ayo.

Nagsalansan si McCree ng 38 points, 16 rebounds, at 2 dimes sa pagkatalo, habang tumapos si Lee na may 21 points, 5 boards, at 4 assists sa 31 minutong paglalaro.

Naglaro ang Magnolia na wala si veteran forward Calvin Abueva sa huling 9:25 ng laro makaraang ma-foul ito. Nagtala siya ng 12 points at 4 rebounds bago na-foul out. CLYDE MARIANO

Iskor:
Converge (111) – Franklin 26, Ahanmisi 22, Stockton 18, Melecio 14, Teng 11, Arana 8, Balanza 6, Tratter 4, Ambohot 2, Racal 0, Murrell 0
Magnolia (109) – Mccree 38, Lee 21, Jalalon 13, Abueva 12, Escoto 7, Ahanmisi 5, Wong 4, Dela Rosa 3, Sangalang 2, Barroca 2, Dionisio 2, Corpuz 0
QS: 28-23, 50-47, 84-73, 111-109.