Mga laro bukas:
(Candon City Arena)
4 p.m. – Galeries Tower vs F2 Logistics
6 p.m. – Nxled vs PetroGazz
NAPANATILI ni Michele Gumabao ang kanyang magandang laro upang pangunahan ang Creamline sa pagwalis sa Gerflor, 25-15, 25-12, 25-10, at manatiling walang talo sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference kahapon sa Ynares Center sa Antipolo.
Matapos ang dalawang 20-point outings, si Gumabao ay hindi kinakitaan ng pagkapagod nang pamunuan ang Cool Smashers sa ikatlong sunod na panalo para sa solong liderato na may 12 points sa 10-of-18 attacks.
Batid ni Gumabao na hindi mapapansin ang kanyang performance nang wala ang kanyang teammates. “Teamwork, it’s the most important thing. The connection is there, we just need to follow the system and execute,” sabi ni Gumabao. Sa sumunod na laro, bumanat si Fifi Sharma ng 14 kills at bumawi ang Akari mula sa first set loss upang pataubin ang Farm Fresh, 21-25, 26-24, 25-15, 25-21, at iposte ang kanilang unang winning streak sa season.
Ang vastly-improved Chargers ay umangat sa 3-1 record, habang ipinalasap sa Foxies ang kanilang ika-4 sunod na kabiguan. Umiskor sina Tots Carlos at Jema Galanza ng tig-7 points, habang gumawa si Creamline new starting setter Kyle Negrito ng 13 excellent sets.