SOLO LEAD TARGET NG 3 TEAMS

PBA

Mga laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – NLEX vs Meralco

7 p..m. – Magnolia vs NorthPort

PUNTIRYA ng NorthPort, NLEX at Meralco ang solong liderato sa pagpapatuloy ng aksiyon sa PBA Governors Cup ngayon sa Araneta Coliseum.

Sasagupain ng Road Warriors ang sister team Bolts sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon habang haharapin ng Batang Pier ang Magnolia sa alas-7 ng gabi.

Parehas ang lakas ng NLEX at Meralco at ang panalo ay nakasalalay sa mga balikat ng dalawang balik-import sina Allen Durham at Olu Ashaolou.

Tinalo ng NLEX ang Merlaco, 100-91, sa Commissioner’s Cup na napagwagian ng SMB laban sa mortal na karibal na TNT at determinado ang Road Warriors na panatilihin ang kanilang dominasyon sa Bolts.

Tiyak na magiging kapana-panabik ang sagupaan ng dalawang koponan na kapwa pag-aari ni sportsman/businessman Manuel V. Pangilinan kung saan magpapakitang-gilas sina Kiefer Ravena, Kenneth Ighalo, Philip Panimogan, at John Paul Erram.

Dinala ni Ravena, ang ‘heart and soul’ ng NLEX, sa unang panalo ang koponan kontra Phoenix sa kanyang pagbabalik sa basketball court matapos ang mahigit isang taong suspensiyon na ipinataw ng FIBA.

Hindi nakitaan si Ravena ng pangangalawang at trinangkuhan ang fast running Road Warriors sa impresibong panalo sa Fuel Masters na lumasap ng dalawang sunod na kabiguan, ang huli ay laban sa SMB noong Miyerkoles sa Araneta Coliseum.

Tatapatan ang opensiba ng NLEX nina Filipino-Americans Chris Newsome, Cliff Hodge at Travis Jackson, kasama ang homegrown talents na sina Reynel Hugnatan, Antonio Jose Caram, Ranidel de Ocampo, Bya Faundo at Baser Amer.

CLYDE MARIANO

Comments are closed.