SOLO LEAD TARGET NG GINEBRA

GINEBRA

Mga laro sa Miyerkoles:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – San Miguel vs Blackwater

7 p.m. –  Ginebra vs NorthPort

SISIKAPIN ng Barangay Ginebra na kunin ang solong pangunguna sa pakikipagtipan sa NorthPort sa pagpapatuloy ng PBA Governors’ Cup ngayon sa Araneta Coliseum.

Nakatakda ang laro sa alas-7 ng gabi matapos ang bakbakan ng San Miguel Beer at Blackwater sa alas-4:30 ng hapon.

Tangan ng Kings ang 2-0 kartada, kasosyo ang sister team Magnolia, sa ibabaw ng standings, habang wala pang panalo ang Ba-tang Pier sa tatlong laro.

Liyamado ang Barangay Ginebra kontra NorthPort dahil lamang sa lahat ng departamento ang tropa ni coach Tim Cone.

Muling pangungunahan ni American import Justine Brownlee ang opensiba ng Kings, katuwang ang locals na sina Scottie Thompson, LA Tenorio, Kevin Ferrer, Jeff Chan, Jervy Cruz at ang twin towers nina Greg Slaughter at Japeth Aguilar.

Kumamada si Brownlee ng 45 points sa 109-101 panalo ng Ginebra laban sa Alaska.

Pinapaboran din ang SMB kontra Blackwater dahil lamang sila man-for-man at sasamantalahin ito ni coach Leo Austria para umangat sila sa team standings.

Muling sasandal si coach Austria sa kanyang gunners na sina Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Arwind Santos, Chris Ross, Bryan Heruela at June Mar Fajardo.

Bukod sa opensiba, gaganap din ang 6’9 Cebuano bilang top defender, kasama si Filipino-German at Asian Games veteran Chris-tian Standhardinger. CLYDE MARIANO

Comments are closed.