Standings W L
NU 4 1
Ateneo 3 1
UP 3 1
DLSU 3 2
UE 2 2
AdU 2 3
UST 1 3
FEU 0 5
Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
8 a.m. – UST vs UE (Women)
10 a.m. – UP vs Ateneo (Women)
12 noon – UST vs UE (Men)
4:30 p.m. – UP vs Ateneo (Men)
NATAKASAN ng National University ang Adamson, 58-54, upang kunin ang solo lead sa UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena.
Nalusutan ng Bulldogs ang mainit na paghahabol ng Falcons mula sa 10- point deficit sa huling anim na minuto upang itarak ang ikatlong sunod na panalo — at ang ika-4 sa kabuuan sa limang laro.
“At least we will take this win, kasi Adamson is a very strong team also,” wika ni NU coach Jeff Napa. “Nag-bleed kami up to the last minute, hindi sumuko ang Adamson.”
Namayani ang Bulldogs sa kabila na na-outrebound ng Falcons, 40-48.
“Still, we were not satisfied how we performed because we were outrebounded. Ang dami naming ibinigay sa paint area na points. Kailangan naming i-address ito, we have to correct even though we got the W.”
Nalusutan ang pagliban ni last season’s Mythical Team member Mike Phillips, naibalik ng La Salle ang kanilang winning ways sa 87-70 pagdispatsa sa Far Eastern University sa unang laro.
Nanguna si John Lloyd Clemente para sa Bulldogs na may 14 points, habang naitala ni Mike Malonzo ang lima sa kanyang pitong puntos sa huling tatlong minuto na umapula sa mainit na paghahabol ng Falcons.
Nahulog ang Adamson, nakakuha ng 12 points at 8 boards mula kay Cedrick Manzano, sa 2-3.
Iskor:
Unang laro:
DLSU (87) — Winston 23, Quiambao 16, Manuel 14, Nelle 8, Austria 7, Nwankwo 6, Estacio 5, Cortez 4, B. Phillips 2, Abadam 2.
FEU (70) — Gonzales 16, Sajonia 15, Sleat 12, Torres 10, Bagunu 8, Tchuente 3, Tempra 2, Ona 2, Añonuevo 1, Celzo 1, Alforque 0, Sandagon 0.
QS: 18-10, 50-25, 74-49, 87-70
Ikalawang laro:
NU (58) — Clemente 14, Baclaan 8, Malonzo 7, Figueroa 7, Enriquez 7, Yu 7, Manansala 2, Tibayan 2, John 2, Galinato 2, Padrones 0, Mahinay 0, Minerva 0, Palacielo 0.
AdU (54) — Manzano 12, Lastimosa 11, Douanga 9, Yerro 7, Colonia 4, Hanapi 4, Jaymalin 3, V. Magbuhos 2, Torres 2, W. Magbuhos 0, Fuentebella 0, Barcelona 0, Flowers 0.
QS: 11-11, 28-25, 41-35, 58-54.