Mga laro ngayon:
(Ynares Centet-Antipolo)
4:30 p.m. – Alaska vs Meralco
6:45 p.m. – Phoenix vs Rain or Shine
ANTIPOLO CITY – Magaan na dinispatsa ng Blackwater ang NLEX, 132-106, sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Ynares Center dito.
Kumana si Ray Parks ng bagong career-high na 29 points bukod pa sa 5 assists, 4 rebounds at 2 steals, at kinuha ng Elite ang solong liderato na may 5-1 kartada habang nanatiling walang panalo ang Road Warriors sa limang asignatura.
Mula sa 63-63 pagtatabla sa kaagahan ng 3rd quarter ay umiskor si Parks ng limang unanswered points bago nagpasabog ng lima pa sa krusyal na 22-8 run na ginamit ng Blackwater upang tambakan ang NLEX ng 14 points.
Nakalapit ang Road Warriors sa walong puntos sa final quarter mula sa dunk nj Tony Mitchell, 94-102, subalit tuluyang kumawala ang Elite at pinalobo ang kanilang kalamangan sa hanggang 30 points, 129-99, wala nang dalawang minuto ang nalalabi.
Sinuportahan ni Alex Stepheson si Parks na may 21 points, 17 rebounds, 5 assists, at 2 blocks, habang gumawa si Allein Maliksi ng 21 points mula sa bench.
Tumapos si Mac Belo na may 14 points at 5 rebounds, nagdagdag si Mike Digregorio ng 11 points, at umiskor sina Gelo Alolino at Rabeh Al-Hussaini ng tig- 8 points sa panalo.
Nanguna si Mitchell para sa NLEX squad na wala pa rin si head coach Yeng Guiao na may 27 points, 11 rebounds, at 4 assists mula sa bench, habang nagdagdag si Cyrus Baguio ng 19 points.
Iskor:
Blackwater (132) – Parks 29, Stepheson 21, Maliksi 21, Belo 14, Digregorio 11, Al-Hussaini 8, Alolino 8, Tratter 6, Cortez 5, Sena 3, Salem 3, Sumang 2, Desiderio 1, Dario 0,
NLEX (106) –Mitchell 27, Baguio 19, Tiongson 14, Ighalo 10, Monfort 8, Quinahan 8, Galanza 6, Rios 5, Soyud 5, Erram 4, Taulava 0, Varilla 0, Paredes 0, Paniamogan 0, Lao 0.
QS: 33-19, 63-53, 93-80, 132-106
Comments are closed.