Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Centre)
12 noon – Perpetual vs Letran (Men)
2 p.m. – LPU vs Mapua (Men)
4 p.m. – JRU vs AU (Men)
PINATAOB ng San Beda ang Emilio Aguinaldo College sa ika-21 sunod na pagkakataon, 89-72, upang manatiling walang talo sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa EAC Gym.
Sa harap ng home crowd ay kumarera ang Generals sa 12-2 kalamangan, subalit nagising ang Red Lions sa mahimbing na pagkakatulog at nagpakawala ng 27-6 salvo upang itarak ang 29-18 bentahe.
Binigyan ni James Canlas, tumipa ng 13 first half points, ang San Beda ng 45-29 lead sa break sa pamamagitan ng isang three-pointer.
Pagkatapos ay naipasok ni Evan Nelle, ang backcourt partner ni Canlas, ang kanyang sariling buzzer beater sa pagtatapos ng third period para sa Lions upang makalayo sa 71-45.
Kinuha ng San Beda ang solo lead na may 3-0 kartada at napanatili ang kanilang malinis na marka laban sa EAC, na hindi pa nananalo sa 22-time champions magmula nang lumahok sa liga noong 2009.
Tumapos si Canlas na may season-high 21 points, 5 rebounds at 3 assists, habang kumana si Nelle ng career-best 15 points, 7 assists at 4 boards para sa San Beda.
Nanguna si Marwin Taywan para sa EAC na may 20 points at nagdagdag si Kriss Gurtiza ng 15 points, 8 rebounds at 3 assists.
Iskor:
San Beda (89) – Canlas 21, Nelle 15, Oftana 14, Tankoua 13, Doliguez 10, Bahio 6, Abuda 5, Soberano 2, Cariño 2, Cuntapay 1, Alfaro 0, Etrata 0, Obenza 0, Visser 0.
EAC (72) – Taywan 20, Gurtiza 15, Maguliano 13, Mendoza 10, Luciano 7, Estacio 2, De Guzman 2, Dayrit 2, Carlos 1, Gonzales 0, Cadua 0, Boffa 0, Martin 0, Corilla 0.
QS: 24-16, 45-29, 71-45, 89-72