SOLO LEADER ANG PHOENIX

phoenix vs columbian

Mga laro bukas:

(Ynares Center-Antipolo)

4:30 p.m. – Columbian vs NorthPort

7 p.m. – Meralco vs San Miguel

NAAPULA ng Phoenix ang mainit na paghahabol ng Columbian Dyip upang maitakas ang 108-98 panalo at kunin ang solong liderato sa PBA Philippine Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Nagbuhos si Matthew Wright ng 27 points, kabilang ang 9 points sa rainbow territory, na naging tuntungan niya upang muling tanghaling ‘Best Player of the Game’.

Nag-ambag si LA Revilla ng 12 points at 7 assists, at naiposte ng Pulse Fuel Masters ang ikatlong sunod na panalo.

“I reminded my players to play head up game because Columbian Dyip is tough to beat and we don’t want to suffer the humiliation experienced by San Miguel Beer which suffered shocking defeat to Columbian Dyip,” sabi ni coach Louie Alas.

Isa sa mga dahilan ng pagkatalo ng Columbian Dyip  ay ang kawalan ng koordinasyon ng mga player nito kung saan nagkanya-kanya sila at kung sino ang may hawak sa bola ay bato agad kahit wala sa porma.

Naglaro nang husto si top rookie CJ Perez subalit nahirapang makarami ng puntos dahil pinagtutulungan siya tuwing makakahawak ng  bola.

Lumamang ang Phoenix ng 19 points, 40-21, subalit nakalapit ang Columbian sa 43-48 sa pinagsanib na puwersa nina Perez, Reden Celda, Rashwn McCarthy at Eric Camson.

CLYDE MARIANO

Iskor:

Phoenix (108) – Wright 22, Abueva 16, Perkins 14, Intal 13, Revilla 12, Kramer 8, Marcelo 7, Jazul 6, Chua 4, Mendoza 2, Napoles 2, Dennison 2, Mallari 0.

Columbian (98) – Calvo 18, Camson 13, Corpuz 13, McCarthy 10, Perez 10, Reyes 9, Celda 9, Escoto 8, Khobuntin 6, Agovida 2, Cahilig 0, Cabrera 0, Tabi 0.

QS: 24-14, 53-47, 82-72, 108-98

Comments are closed.