Mga laro sa Miyerkoles:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – NorthPort vs Columbian
7 p.m. – TNT vs Phoenix
DINISPATSA ng NLEX ang Blackwater, 115-109, upang mapanatili ang walang dungis na marka at kunin ang solong liderato sa 3-0 kartada sa out-of-town game ng Governors’ Cup kagabi sa Sta. Rosa Multi-Purpose Complex sa Sta. Rosa, Laguna.
Dikit ang laro at sinelyuhan ng Road Warriors ang ikatlong sunod na panalo sa huling dalawang minuto ng laro sa kabayanihan nina Kiefer Ravena at import Olu Ashaolu.
Naisalpak ni Ravena ang dalawang charities sa foul ni Mac Belo at umiskor si Ashalou ng dalawang puntos matapos makagawa ng error ang Elite para sa 113-104 bentahe at hindi na lumingon pa.
Tumabo si Ravena ng 25 points, kasama ang limang tres, 7 rebounds at 7 assists, upang muling tanghaling ‘best player of the game’.
“All of us played well and scored well. We scored consistently and defended well. Lahat kami nagtulong-tulong,” sabi ni Ravena.
Humataw si Bobby Ray Parks, Jr. ng 31 points at gumawa si rookie Paul Desiderio ng 25 points subalit hindi ito sapat upang bigyan ng panalo ang Blackwater. CLYDE MARIANO
Iskor:
NLEX (115) – Ashaolu 31, Ravena 25, Ighalo 12, Paniamogan 12, Quinahan 10, Varilla 7, Lao 6, Fonacier 5, Galanza 5, Paredes 2, Miranda 0, Soyud 0, Cruz 0.
Blackwater (109) – Parks 28, Desiderio 24, Blakely 18, Maliksi 13, Belo 9, Cruz 8, Sumang 3, Cortez 2, Alolino 2, Al-Hussaini 2, Digregorio 0, Dario 0, Javier 0.
QS: 19-25, 52-46, 85-81, 115-109
Comments are closed.