Mga laro ngayon:
(Cuneta Astrodome)
4:30 p.m. – NorthPort vs Blackwater
6:45 p.m. – Magnolia vs Phoenix
INANGKIN ng Talk ‘N Text ang solong liderato nang malusutan ang Columbian, 109-102, sa PBA Commissoner’s Cup kagabi sa Cuneta Astrodome.
Dumaan ang Tropang Texters sa butas ng karayom bago nakuha ang ika-7 panalo sa walong laro sa mainit na opensiba sa fourth quarter at ipalasap sa Dyip ang ika-5 kabiguan sa anim na laro.
Nakipagpalitan ng puntos ang Tropang Texters sa Car Makers sa shooting contest sa last quarter.
Lamang ang TNT sa 56-53, subalit hindi nasiraan ng loob ang Columbian at inagaw ang trangko sa 66-61, sa kabayanihan nina playmaker CJ Perez, Lester Prosper at John Paul Calvo.
Tumawag si coach Bong Ravena ng timeout para bigyan ng instructions ang kanyang mga player kung saan pinaulanan nila ng puntos ang Dyip upang lumamang ng 11 points, 89-78, sa jumper ni Ryan Reyes, may walong minuto ang nalalabi sa fourth quarter.
Hindi na binitawan ng Tropang Texters ang kalamangan tungo sa pagsikwat ng panalo.
“We started slow and regained our bearing in the second half. It’s good the players responded well and played well in the second half,” sabi ni coach Ravena.
“Our main concern is CJ Perez. The guy is versatile and prolific scorer. We cannot neutralize the guy but we can limit his output,” sabi pa niya.
Tumipa ang top rookie mula sa Lyceum Pirates ng 22 points kung saan nalimitahan siya sa apat na puntos sa second at third quarters.
Nagbuhos si Terrence Jones ng 39 points, 17 rebounds at 6 assists, at dinaig si Columbian counterpart Lester Prosper na hindi naging impresibo sa kanyang laro. CLYDE MARIANO
Iskor:
TNT (109) – Jones 39, Castro 22, Pogoy 16, Rosario 8, Reyes 8, Trollano 5, Taha 4, T. Semerad 3, D. Semerad 2, Heruela 2, Carey 0.
Columbian (102) – Prosper 37, Perez 22, Calvo 15, Corpuz 8, McCarthy 5, Celda 5, Khobuntin 4, Cahilig 4, Agovida 0, Reyes 0, Camson 0.
QS: 22-27, 51-50, 73-71, 109-102
Comments are closed.