MULING nabuhay ang inspirasyon ni Bataan 1st District Representative Geraldine Roman bunga ng tagumpay na nakamit ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) sa kauna-unahang 2018 Asia RiverPrize.
“This winning filled my heart with joy and a sense of hope. This recognition shows that if we focus our efforts on rehabilitating our rivers, we will manage to restore our rivers into their natural state, free from pollution and hazardous wastes,” pahayag ni Roman kamakailan sa kanyang Facebok page.
Naunang ipinakalat ni Roman ang kolum ng nirerespetong mamamahayag na si Carmen Pedrosa ng Philippine Star sa kanyang Facebook page ang paghablot ng PRRC sa tropeo ng prestihiyosong International River Foundation dulot ng mga rehabilitasyon ng ahensiya para sa Ilog Pasig sa ginanap na 21st International River Symposium sa Sydney, Australia noong Oktubre 16.
“The Pasig River, which stretches for 27 kilometers from Laguna de Bay to Manila, won over the other strong finalist, The Yangtze River of China,” sabi pa ni Roman.
Sa kanyang pagbati sa PRRC, ipinabatid din ni Roman ang kanyang pasasalamat dahil sa pagpapakita ng ahensiya sa landas ng tagumpay at ang masidhi niyang paniniwala na panahon na upang magawa rin nila ito sa Bataan at sa buong Filipinas.
“It has always been my dream to restore the rivers of Bataan, and of the whole country, to their pristine state. I have always thought that if we are united in this goal, we can do it. As the old adage goes, if there’s a will, there’s a way,” dagdag pa ng mamba-batas.
Labis naman ang kagalakan ni PRRC Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” E. Goitia nang makita ang post ni Roman sa kanyang Facebook page.
“Maraming salamat sa ating butihing Bataan Representative na si Geraldine Roman na nakita ang pagsisikap ng ating ahensiya para maisakatuparan ang bisyon at mandato ng PRRC. Hindi makakamit ng PRRC ang tagumpay sa 21st River Symposium kung hindi natin pinairal ang masidhing kagustuhan ng pamahalaan na buhayin at muling maibalik ang dating kagandahan ng ating Ilog Pasig. Patunay lamang ito na kung paiiralin ang matibay na political will ay magagawa natin ang lahat para matamo ang ganap na kaunlaran,” pahayag ni Goitia.
Comments are closed.