HINDI alintana ang banta ng COVID-19, masigasig na nilibot ni Congressman Romeo Momo Sr. (CWS party-list) ang mga bayan at lungsod sa Surigao del Sur sa layuning mailatag ang maayos at kinakailangang estratehiya upang epektibong matugunan ang mga kinakailangan ng kanyang mga kapwa Surigaonons sa gitna ng nararanasang pandemya.
Bago ang pagpapalabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) ng guidelines sa ipatupad na quarantine classification sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ay personal na sinaksihan si Congressman Momo ang bloodletting activity sa Brgy. Telaje, Tandag City noong nakaraang linggo.
Upang mahimok ang marami na mag-donate ng kanilang dugo, na malaking tulong para masiguro ang pagkakaroon ng sapat na suplay nito lalo na para sa gamutan ng mga pasyenteng tinamaan ng virus, ay binigyan ni Congressman Momo ng bigas at face mask ang mga blood donor.
Bukod dito, nagkaroon din ng pakikipagpulong ang mambabatas, na dating Undersecretary ng DPWH, sa opisyal ng mga barangay sa munisipalidad ng Cantilan, at inalam ang kanilang mga pangunahing pangangailangan at kung paano makakatulong sa mga residente nito ang kanyang tanggapan.
Sa Brgy. Quirino, Madrid, nagsama-sama sa isang pulong ang mga opisyal ng lalawigan, sa pangunguna nina Madrid Mayor Mary Grace Kimura, Board Member Manuel “Mangi” Alameda Sr. at Board Member Valerio Montesclaros maipaabot kay Cong. Momo ang sari-saring concerns ng mga nasa maliliit na komunidad.
Sa naturang pulong, pinangunahan ni Momo ang paghahain ng mga estratehikong solusyon para matugunan ang mga hamon ng pandemya at tiniyak na ipatutupad nila ang mga ito sa susunod na mga araw.
Pagtitiyak na mambabatas, na siyang senior vice-chairman ng House Committee on Public Works and Highways at House Appropriations Committee, nakikipag-ugnayan ang kanyang tanggapan sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan para masigurong makaabot ang mga tulong para sa Surigaonons na apektado ng COVID-19 pandemic.
Kabilang dito ang pagbibigay ng food packs mula sa Department of Social Welfare and Developments (DSWD), cash assistance sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program ng Department of Labor and Employment (DOLE), cash assistance para sa tourist sector workers sa pamamagitan ng Department of Tourism (DOT), loan assistance na magagamit na kapital ng kanilang Micro, Small and Medium Enterprises o MSMEs sector at iba pa.
Idinagdag din ng kongresista na mayroon din silang open communication lines sa Department of Health (DOH) at IATF para sa pagpapadala ng request para kakailanganin hospital supplies and equipments.
Pagmamalaki naman ni Momo, ang nabuo nilang mga estratehiya ito ay suportado nina Surigao del Sur Governor Alexander “Ayec” Pimentel, Cong. Johnny Pimentel ng Surigao Del Sur 2nd District, Tandag City Mayor Roxanne Pimentel, at Tandag City Vice Mayor Eleanor Momo, na maybahay ng kongresista.
Ang buong Surigao del Sur ay isinailalim sa general community quarantine (GCQ) hanggang sa Agosto 31, 2021.
57130 642632That being said by use it all, planet is actually restored a little much more. This situation in addition will this specific Skin tightening and starting to be moved and into the mood of these producing activities. day-to-day deal livingsocial discount baltimore washington 509916