HINIMOK ni House Assistant Majority Leader at Surigao del Sur 2nd District Rep. Johnny Pimentel si incoming Depart-ment of Information and Communications Technology (DICT) Sec. Gringo Honasan na ibasura ang isinusulong ni Presi-dential Adviser on Economic Affairs and Information Communications Technology Ramon ‘RJ’ Jacinto na limitahan lamang sa dalawa ang bilang ng private at independent companies na maaaring magtayo ng cell site towers sa bansa.
Ayon kay Pimentel, dating chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability, ang planong TowerCos duopoly ni Jacinto ay labag sa congressional franchise ng telcos at para maisakatuparan ito ay kailangan munang amyen-dahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang kanilang prangkisa.
Sinabi rin ng kongresista na marapat lang din na dumistansiya at huwag makialam si Jacinto sa pagtutulak sa Common Tower Policy, na balak ipatupad ng DICT.
“It is very clear that he (Jacinto) has his own business interest, and hindi na dapat siya makisawsaw riyan. Ano naman ang pa-kialam niya riyan, he is not even an investor. Hindi na siya dapat makialam diyan,” giit ni Pimentel.
Ayon sa kongresista, makabubuting masusing pag-aralan muna ng incoming DICT secretary ang usapin sa Common Tower Policy at huwag basta na lang sundin ang gustong mangyari ni Jacinto.
Partikular na pinuna ni Pimentel ang pagpupumilit ni Jacinto na magkaroon o malimitahan lamang sa dalawa ang kompanya na papayagang magtayo ng cell site tower sa bansa kapag ipinatupad na ang nasabing polisiya.
Nagdududa ang kongresista kung bakit ipinagpipilitan ni Jacinto ang TowerCos duopoly sa bansa at lantaran pa ang pag-susulong niya rito.
Maging ang ipinagmamalaki ni Jacinto na pagkakaroon diumano niya ng ‘written authority’ mula kay Pangulong Rodrigo Duterte, na nagsasaad na siya umano ang mangangasiwa at tututok sa implementasyon ng Common Tower Policy ay kinontra rin ni Pimentel.
“That is duplication (of function), I don’t think he has authority… he’s just an economic adviser. With regards to policy and guidelines, he has no authority, duplication na ‘yan. Mayroon na nga tayong secretary sa DICT makikialam pa siya. He is just an economic adviser and he is just enjoying a one peso per year salary. He just give advices and does not and should not in any way meddle in the policy making decision,” tigas na pahayag pa ng kongresista.
Ayon kay Pimentel, naniniwala siyang hindi makabubuti ang paglilimita lamang sa dalawang independent tower companies sa operasyon at pagmamantina ng common cell sites o towers.
Bukod dito, hindi rin siya sang-ayon na magkaroon ng ‘common tower’ at sa halip ay hayaan na lamang, aniya, ang bawat telco na magkaroon ng sarili nilang cell sites.
“If you are talking about the cell sites, the cell site towers to be used as a common tower of the telcos, mahirap ‘yon. Because each cell site nirerentahan iyon ng telco. Like for example the existing two players, they already spend millions of pesos to put up their own towers. So, kung ipagagamit din nila iyon, like dito sa third or incoming player, itong third telco will just ride on sa com-mon tower. That will be very unfair and I don’t think it will prosper,” ani Pimentel.
Ginawa ni Pimentel ang pahayag matapos na mabatid ang pagsulat umano ni Jacinto kay outgoing DICT Sec. Eliseo Rio, Jr. kung saan kinakastigo ng presidential adviser ang huli dahil sa tila pagbawi umano nito ng suporta sa ipinipilit niyang pagkakaroon ng duopoly sa towercos. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.