SOLONG LIDERATO PUNTIRYA NG MAROONS

Standings W L
NU 5 1
UP 5 1
Ateneo 4 2
UE 3 3
DLSU 3 3
AdU 2 4
FEU 1 5
UST 1 5

Mga laro ngayon:
(Ynares Center)
11 a.m. – UP vs UST (Women)
1 p.m. – UP vs UST (Men)
4:30 p.m. – AdU vs DLSU (Men)
6:30 p.m. – AdU vs DLSU (Women)

HINDI pa nakapagtatala ang University of the Philippines ng ‘convincing win’ sa UAAP men’s basketball tournament ngayong season, kung saan kinailangan ng defending champions na kumayod nang husto sa lahat ng kanilang limang panalo.

Umaasa si coach Goldwin Monteverde na magpopokus ang Fighting Maroons sa isang bahagi ng laro na isang alalahanin sa buong first round na kailangang agad na matugunan ng Diliman-based cagers papasok sa krusyal na bahagi ng torneo.

“So far, one thing we need to address in the game, sa start maging consistent kami,” sabi ni Monteverde makaraang malusutan ang University of the East, 84-77, noong Miyerkoles. “Nakikita ko naman na we could really execute offensively, and we really do good on defense, yun lang. Sana magawa na namin ng consistent basis.”

Kasalukuyang tabla sa National University para sa best record ng liga sa 5-1, target ng UP na makopo ang solong liderato sa pagsagupa sa to University of Santo Tomas ngayong ala-1 ng hapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Makakaharap ng La Salle ang Adamson sa isa pang laro na may malaking implikasyon sa first round rankings sa alas-4:30 ng hapon.

Ang nag-iisang talo ng Fighting Maroons sa season ay kontra Bulldogs.

Maaaring kunin ng NU ang No. 1 ranking sa first round sa panalo laban sa Far Eastern University bukas.

Mapapalaban sa isang koponan na lugmok sa five-game losing skid, sisikapin ng UP na makakawala sa lahat ng close games sa first round.