SOLONG LIDERATO PUNTIRYA NG TEXTERS

TNT

Standings:

W     L

NLEX                      7       1

TNT Katropa                       7       1

Meralco                               6       2

San Miguel Beer               6       3

Barangay Ginebra            5       3

Magnolia                             5       4

Columbian                          4       5

NorthPort                           3       5

Alaska                   3       6

Phoenix                               2       7

Rain or Shine                      2       7

Blackwater                          2       8

 

Mga laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – Columbian vs Meralco

7 p.m. – TNT vs Ginebra

TARGET ng Talk ‘N Text ang solong liderato sa pakikipagtipan sa Barangay Ginebra sa PBA Governors’ Cup ngayon sa Araneta Coliseum.

Nakatakda ang salpukan ng Texters at Gin Kings sa main game sa alas-7 ng gabi matapos ang bakbakan ng Columbian Dyip at Meralco Bolts sa alas-4:30 ng hapon.

Pipilitin ng TNT na manaig laban sa Barangay Ginebra upang mapalakas ang kanilang kampanya sa twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

Ang TNT, NLEX at San Miguel Beer ay pasok na sa quarters.

Isa pang dahilan kung bakit gustong manalo ng TNT ay para mapanatili ang kanilang dominasyon sa Ginebra na kanilang tinalo, 104-96, sa Commissioner’s Cup.

Muli na namang masusubukan ang galing ni KJ McDaniels sa kanyang pagharap kay Justine Brownlee na tiyak na bibigyan ni coach Tim Cone ng mahabang playing time.

Lamang ang Gin Kings sa low post dahil nasa kanila ang twin towers na sina 6’8 Japeth Aguilar at 6’11 Greg Slaughter na maaasahan din sa scoring.

Pangungunahan naman nina Jason Castro, Roger Pogoy, at Ryan Reyes ang opensiba ng TNT kontra LA Tenorio, Scottie Thompson, at Jeff Chan.

Mataas ang morale ng Meralco matapos ang panalo laban sa SMB na sasamantalahin ni coach Norman Black upang itarak ang ika-7 panalo sa siyam na laro.

Muling sasandal si Black sa kanyang  import na si Justin Durham,  at sa mga local na sina Cris Newsome, Amer Baser, Cliff Hodge, Raymond Almazan, Reynel Hugnatan at Antonio Jose Caram. CLYDE MARIANO

Comments are closed.