Standings
W L
Pagadian 2 0
Clarin 2 0
Basilan 1 0
Zamboanga City 1 1
Kapatagan 1 1
MisOr 1 1
Zambo del Sur 0 1
Iligan 0 2
Roxas 0 2
Mga laro ngayon:
(Plaza Luz Gym, Pagadian, Zamboanga del Sur)
2 p.m. — Kapatagan vs Pagadian
4 p.m. — Zamboanga City vs ALZA Alayon
Zamboanga del Sur
6 p.m. — Basilan vs Iligan
PABOR sa Pagadian Explorers ang desisyon ng liga na gawin sa orihinal na venue ang pagpapatuloy ng Mindanao leg ng VisMin Pilipinas Super Cup elimination ngayong Sabado.
Matapos ang naging desisyon na kanselahin ang dalawang playing dates bunsod ng pag-ulan sa Ipil, Zamboanga Sibugay, balik sa orihinal na venue ang liga sa Plaza Luz Gym sa Pagadian, Zamboanga del Sur para sa maaksiyong triple-bill match.
Bukod sa masamang panahon, nagdesisyon ang league officials na ipagpatuloy ang elimination ng kauna-unahang professional league sa Katimugan matapos ibaba ng Malacanang sa general community quarantine (GCQ) ang lalawigan ng Zamboanga del Sur nitong Huwebes.
“Yes, the games will resume on Saturday, July 17 in Pagadian City,” pahayag ni VisMin Cup COO Rocky Chan.
Target ng Pagadian Explorers na makopo ang ikatlong sunod na panalo at solong liderato sa harap ng home-crowd laban sa Kapatagan (1-1) sa unang laro sa alas-2 ng hapon. Magtutuos naman ang Zamboanga City (1-1) at ALZA Alayon (0-1) sa alas-4 ng hapon.
Puntirya ng Iligan (0-2) na makapasok sa win column sa pakikipagtipan sa Jumbo Plastic-Basilan (1-0) sa tampok na laro sa alas-6 ng gabi.
Orihinal na venue ang Pagadian na magsisimula sanang maging host nitong Hulyo 2, ngunit isinailalim sa mahigpit na modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Zamboanga del Sur. EDWIN ROLLON
276535 529085Several thanks for the fantastic post C Id enjoyable reading it! That i adore this blog. 311105
970128 767612This web web site is often a walk-through for all with the knowledge you wanted concerning this and didnt know who ought to. Glimpse here, and youll totally discover it. 901601
899021 822874Yay google is my king assisted me to discover this outstanding internet site! . 307550