ILALABAS na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pangalan ng 93 politikong sangkot sa operasyon ng ilegal na droga na kinabibilangan ng mga kongresista, mayor at vice mayor.
Ayon kay PDEA Director Aaron Aquino, muling isinailalim sa validation ng apat na ahensiya ang narco list.
Nasa listahan ang pangalan ng halos 60 mga alkalde, bise-alkalde at mga kongresista.
Sinabi ni Aquino na kabilang sa mga narco politician ay mula sa Region 4A, Region 10 at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Matatandaang tinangkang linisin ng ilang alkalde ang kanilang pangalan kay Pangulong Rodrigo Duterte habang ang ilan na taga-Mindanao ay kinasuhan na.
Sinasabing 75% na ang na-validate sa pangalan ng nasabing mga narco politician.
Comments are closed.