(Solons nabahala) EXCESS DEATHS NA 297K SA PANDEMIC IIMBESTIGAHAN

NAGPAHAYAG  ng pagkabahala ang ilang mambabatas sa biglang pagtaas ng ‘di maipaliwanag na pagkamatay ng mga itinuring na “excess death” sa panahon ng pandemya ng 2021 na umabot sa 297,000 base sa data ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Hinihinalang may kaugnayan ito sa bakunahan na sapilitang ipinatupad sa panahon ng pandemya, at sa amendment ng International Health Regulation (IHR) na ipapatupad sa mga kasapi na bansa ng World Health Organization (WHO) kabilang ang Pilipinas na maaaring gumamit umano ng digital vaccine card na maaaring ma-access na ang health profile ng sinumang tao sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ito ay natuklasan sa imbestigasyon ng joint House Committees ng Public Order and Safety at Human Rights, na pinamumunuan ni Sta. Rosa City Lone District Representative Dan Fernandez at Manila City 6th District Bienvenido Abante Jr. nitong Martes.

Sinabi ni Fernandez na ang naturang bilang ay naglagay ng pagdududa umano sa pangkalahatang isyu ng kaligtasan o “safety” at “efficacy”sa ginamit na bakuna na tinawag niyang :experimental vaccine at ang pagtugon ng healthcare system ng bansa sa mga medical crisis tulad ng nakaraang global COVID-19 pandemic.

Si Bukidnon 2nd District Representative Jonathan Keith Flores na nag co-preside kay Fernandez, ay nagpahayag na ang naturang congressional inquiry at imbestigasyon sa mga naturang bilang ng namatay ay naglalayon na magkaroon ng mas malalim na pagsusuri sa naturang usapin.

Inaalam ng mga naturang komite kung may kinalaman sa vaccination drive at kung may mga pangyayari na nagdulot ng paglabag sa karapatang pantao ang dami ng mga namatay.

Nais din umano alamin ng mga naturang komite kung ang bagong crafted na Pandemic Treaty at International Health Regulations (IHR) na pinasok ng Philippine government ay may magiging negatibo epekto sa mga Pilipino.

Ayon kay Fernandez, taon 2021, nang magsimula ang pagbabakuna ay bigla aniyang tumaas sa 43% ang mortality rate kumpara sa 2% pagtaas sa death rate sa panahon ng 2016 hanggang 2020.

“It stands to reason that this very substantial increase in the number of deaths in 2021 could be attributed mainly to either two factors — to COVID-19 infection or to the vaccines themselves,” ang sabi ni Fernandez sa HR 1481.

Ayon kay Fernandez ng taong 2020, ang mga nasawi bagama’t yan ang nagsimula ang pandemya ay 40,147 na mas mababa sa 297,000 na namatay na naitala ng 2021.
Dagdag nito, ang excess death ay binilang sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga inaasahang namatay mula sa actual na bilang ng namatay sa loob ng limang taon hanggang sa taon bago nagka-pandemic mula taong 2015 hanggang 2019.

“Almost four years after our nation have survived the harrowing pandemic, we remain hounded by some serious concerns that require the urgent and full inquiry in aid of legislation if only to ferret out the truth,”ayon kay Torres.

Layunin ng imbestigasyon na makagawa ng batas base sa naging karanasan ng bansa ng panahon ng pandemya at upang mapag- usapan kung paano poprotektahan ang mga Pilipino sa international law sa health protocol na pwedeng tanggihan ng bansa kung sa tingin nito ay hindi ito ay makabubuti sa kapakanan ng mamamayan. Naniniwala si Fernandez na ang ilan sa napilitan magpabakuna ng panahon ng pandemya ay dahil sa mga polisiya na ipinagawa ng estado. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia