NAGPAHAYAG ng kasiyahan ang ilang mambabatas sa takbo ng deliberasyon sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 na isinasagawa sa plenaryo bilang committee as a whole sa isinusulong ng Kamara na pag amyenda sa 1987 Constitution o Charter Change (Cha-cha) na nagsimula ng Pebrero 26.
“We of course welcome the stand of those who are against it because we have to consider different things. Kung one-sided lang puro lang for support, siyempre we will not be able to balance kung ano ‘yong side and ano ‘yong stance ng mga against this,” ang pahayag ni PBA Party-list Rep. Margarita “Atty. Migs” Nograles sa isinagawang press conference ngayong Martes. Giit ni Nograles, tanggap nila lahat ng input sa constitutional amendment kontra o pabor man anya rito maging sa hanay ng mga imbitadong resource speakers.
“I would say at least consistent po ‘yong House when they promised an exhaustive and informative deliberation of this RBH 7. So I can express nothing else but joy perhaps and it’s a very welcoming development where we’re headed, how we are conducting (discussions over) RBH 7,” ang pahayag naman ni Minority member and 1-RIDER Party-list Rep. Ramon Rodrigo Gutierrez.
Inilarawan ni Gutierrez na “accommodating ang approach” ng liderato ng Kamara sa lahat ng kasapi nito na ibig lumahok sa talakayan ng RBH 7.
Hinikayat din ni Gutierrez ang mga senador na kumpletuhin at madaliin ang kanilang version sa isinusulong na pag-amyenda sa economic provisions ng naturang Saligang Batas na ibig luwagan ang restrictive provisions upang hikayatin ang foreign investors na magnegosyo sa bansa sa pamamagitan ng posibleng 100 percent na pagmamay ari ng mga industriya sa education, advertising, at iba pa.
Inamin ni Gutierrez na nabalitaan nila ang pagpayag umano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pangunahan ng mga senador ang pagpasa ng naturang amendments sa economic provisions na ibig aniya nito na magkaroon ng plebisito kasabay ng 2025 midterm elections.
Ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, maliwanag sa ninanais na ni Marcos Jr. na ang plebisito tungkol sa pag- amyenda sa Saligang Batas ay nangangahulugan aniya na ito ay prayoridad ng kasalukuyang administrasyon.
Ayon sa mga naturang mambabatas, inaasahan na rin nila ang mainitiang diskusyon sa magkakaibang opinion kabilang ang pagkontra sa isinasagawang pagtalakay na ito ng panukalang pag amyenda sa 1987 Constitution. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia