SOLUSYON BA NA SIBAKIN ANG PALPAK NA EMPLEYADO?

TAMA ba na agad -agad ay sibakin ang empleyado na ineffective?

Batay sa alintuntunin ng Department of Labor and Employment (DOLE) may mga proseso at antas ang agad na pagtanggal sa empleyado.

Halimbawa nito ay ang mga sinadyang aksyon na nakasira ng major damages sa kumpanya, pananabotahe, at pandarambong o pangungurakot.

Subalit kung sadyang palpak o hindi magampanan ang tasking, dapat mag-isip ang may-ari o kaya ang human resources kung bakit palpak ang emplyado.

Sa bawat performance ng empleyado, kailangan ng feedback at ito ang amin i-explain sa inyo.

Una, ang owner o HR ay dapat ikonsidera ang nagastos sa pagtuturo sa empleyado.

Kung basta tatanggalin ang nagkamaling empleyado, nasayang lang ang panahon, gastos at maging pinasuweldo sa palpak na trabahador.

FEEDBACK MAHALAGA SA WORKPLACE

Dapat may feedback sa performance ng trabahador at maging sa owner o sa HR dahil kung paulit-ulit na tinuturuan o isinasailalim sa training at pumapalpak pa rin, job mismatch ang nangyari o kaya naman ang feedback sa nag-hire ay maling pagpili at desisyon na tanggapin ito, in short wrong hiring.

Sakali namang maganda ang execution ng training subalit non-performing pa rin, feed back ang kailangan sa formula na isinagawa sa training.

Kaya mahalaga ang feedback sa bawat performance ng empleyado gayundin sa panig ng may-ain ng kumpanya o mismong HR.

Ang feedback o ang tinawag na Employee’s Performance Evaluation ay hindi lamang makakatutulong sa mga empleyado na umayos ang kanilang performance kundi maging sa may-ari ng kumpanya.

SOLUSYON

Improvement plans – Bigyan ng konsiderasyon ang mga oras at nagastos sa empleyado at huwag basta alisin.  Maaaring kausapin nang masinsinan kung nais ba talaga ng empleyado na manatili at kung may indikasyon naman na nais matuto at may pagmamahal sa kanyang trabaho, gumawa ng performance improving plan.

Coaching – Patuloy na alalayan at bigyan ng tips ang inyong empleyado hanggang maging maayos ang performance.

Feedback – Laging magkaroon ng feedback sa mga task na ginagawa upang magkaroon ng pagsisikap o impirasyon.