UPANG mapalakas ang mga istruktura laban sa baha sa Lungsod ng Maynila, isinagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) – South Manila District Engineering Office ang rehabilitasyon ng Luneta Pumping Station na matatagpuan sa Katigbak Parkway sa Ermita.
Layunin ng proyektong ito na tugunan ang madalas na pagbaha sa mga lugar tulad ng Manila City Hall, Bonifacio Drive, Katigbak Parkway, New Luneta Street, South Boulevard at Padre Burgos Street na malapit sa mga katubigan.
Bukod sa pagbawas ng pagbaha at proteksyon sa mga buhay at ari-arian ng mga residente, magdudulot din ito ng mas ligtas at mas madaling daanan para sa mga motorista at pedestrian dahil sa kalsadang hindi na lubog sa baha.
Ang rehabilitasyon ng pumping station ay isang mahalagang hakbang upang labanan ang hamon ng global warming at epekto ng climate change sa rehiyon.
RUBEN FUENTES