SOLUSYON SA OIL PRICE HIKES

INAPRUBAHAN ng economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte  ang pagkakaloob ng fuel subsidy sa mga driver ng public utility vehicles (PUVs) sa gitna ng sunod-sunod na pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ang desisyon ukol dito ay inilabas ng Cabinet-Level Development Project Coordination Committtee (DBCC) kasunod ng pangangalampag ng transportation workers sa domino effect ng serye ng oil price hike.

Tutol si Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III na suspendihin ang implementasyon ng excise tax sa petrolyo dahil bilyon-bilyong pondo ang mawawala sa gobyerno na gagamitin sa mga proyektong pang-imprastruktura, kalusugan, edukasyon, agrikultura, higit sa paglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic.

Makikinabang sa P1 bilyong cash  assistance ang 178,000 PUV drivers na ipamamahagi sa pamamagitan ng Pantawid Pasada Program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Nagpasiya ang economic team ni Presidente Duterte na magpalabas ng P1 bilyon sa pamamagitan ng DBCC resolution para hindi masuspinde ang implementasyon ng excise tax at mapanatili ang tax collections ng BIR sa ipinapataw na buwis sa pertrolyo dahil malaki ang magiging epekto nito sa takbo ng ekonomiya ng bansa sa kabuuan.

Tila nabunutan naman ng tinik ang Department of Transportation (DOTr) sa naging desisyon ng DOF at DBCC sa pagresolba sa suliranin ng mga tsuper sa bansa sa walang patid na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

“The DOTr is one with the other government agencies to find maean and measures that will help sustain the livelihood of affected drivers and operators in the transport sector – especially during this time of this pandemic. I was against the proposals to suspend fuel excise taxes as pushed by the Department of Energy (DOE), lawmakers and transport groups,” paliwanag ni Secretary Dominguez.

Babala ni Secretary Dominguez, mawawalan ng P24.7 bilyon ang gobyerno sa sandaling suspendihin ang koleksiyon ng excisre tax at tinatayang P106.7 bilyon naman ang epekto nito sa incremental income sa papasok na 2022 budget at magreresulta sa P131.4 bilyong pagbaba ng buwis.

Ayon sa think tank IBON Foundation, “prices of diesel have gone up by P8.7, gasoline by P7.25 and kerosene by P8.1 in just the past 9 weeks. As such,  a jeepney driver has to shell out P95.70 more for 11 liters of diesel a day,  while a farmer has to pay P1,653 more for 190 liters of diesel per hectare per cropping season.”

Pero para kay BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay, tama ang desisyon ng economic managers na huwag suspendihin ang excise tax dahil labis na maaapektuhan ang tax collections ng bureau, lalo na ngayong panahon ng pandemic na may posibilidad na bumagsak nang tuluyan ang tax collections  at mabigonng makolekta ang assigned tax goal ngayong fiscal year.

“Mas matinding suluranin ang kakaharapin ng BIR sa huling yugpo ng termino ni Pangulong Duterte sa 2022 kaya mas mainam na palakasin pa ang tax collections dahil nasa P3.312 trilyon ang tax collection goal o mas mataas ng 12.49% kumpara sa tax goal ng 2021 ang bubunuin ng Kawanihan ng Rentas,” ani Commissioner Dulay.

Lahat ng ito ay kayang harapin basta sama-sama at nagkakaisa ang mga key revenue official sa tamang pagkolekta ng buwis para sa bayan, paliwanag ni Commissioner Billy.

Halos linggo-linggo  ay pinupulong ni Commissioner Dulay sina Metro Manila BIR Regional Directors Ed Tolentino (East NCR), Albino Galanza (Quezon City), Jethro Sabariaga (City of Manila), Gerry Dumayas (City of Caloocan), Ed Pagulayan at Saripoden Bantog (South NCR); at Maridur Rosario (City of Makati) para paghandaan ang massive tax collection activities sa pagtatapos ng taong 2021 para makuha ang tax collection goal.

Aminado si Commissioner Billy na tuluyang babagsak ang tax collections ng BIR sa sandaling suspendehin ang implementasyon ng excise tax sa petroleum products dahil dito nanggagaling ang pinakamalaking bahagi ng koleksiyon  sa kabuuan.

Ang excise tax ay kinokolekta ng BIR sa ilalim ng Large Taxpayers Service (LTS). Ang LTS ang kumokolekta ng 60% sa kabuuang tax goal habang ang 40% ay mula sa koleksiyon ng regional at district levels.

vvv

  (Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa  09266481092 o mag- email sa drerickcbalane@mail.com.)