‘SONA’ NG GAB SA SPORTS SUMMIT

Abraham mitra

HINDI lamang ang nagawa sa gitna ng paglaban sa pandemya kundi ang magagawa pa ng pamunuan ng Games and Amusements Board (GAB) ang mga isyu na prayoridad na bibigyan ng malalim na talakayan sa gaganaping 3rdProfessional Sports Summit via Zoom sa Setyembre 29.

Ayon kay GAB Chairman ‘Abraham’ Baham Mitra, mistulang SONA ng kanyang administrasyon ang ikatlong edisyon ng Summit, ngunit hindi lamang ang mga nakamit sa nakalipas na limang taon, kundi ang mga nais pang isulong na programa tulad ng livelihood program sa mga atleta at pensiyon sa mga nagretirong boxers ang mga isyung nararapat na mabigyan ng agarang solusyon.

“Marami tayong nagawa at naisakatuparan para sa atletang Pinoy at sa professional sports. Sa pagtutulungan po ng ating Board at Division head, nakaagapay tayo sa gitna ng pandemic,” pahayag ni Mitra sa kanyang pag-bisita kahapon sa ‘Usapang Sports’ via Zoom ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS).

“Kasama na sa plano namin ‘yang livelihood para sa ating mga atleta at pension sa mga retired boxers. Sa ngayon po kasi wala tayo niyan, hindi pa kaya ng budget ng GAB. Hopefully, next year. Sabi ko nga po, we don’t need a boxing commission, idagdag ninyo na lang sa GAB ‘yung pondo, mas marami tayong magagawa,” aniya.

“We invited resource speakers from the Senate, sa House para mabigyan tayo ng kaalaman sa mga batas na makatutulong sa ating mga atleta at sa sports. Andiyan din ang mga representive from established league like PBA, 3×3, women’s basketball, NCAA and UAAP. Our friends in boxing community and other sports mapagkukunan din natin in impormasyon, so ‘yung mga nagbabalak mag-organize or mag-promote ng boxing and other sports, may ideya sila sa ‘bubble setup’,” ayon sa dating Palawan governor at congressman.

Apat na senador – Bong Go, Sherwin Gatchalian, Joel Villanueva at Pia Cayetano – na pawang katuwang sa kaunlaran ng sports ang magbibigay ng kanilang mensahe at suporta sa ahensiya at sa mga pro athlete na halos dalawang taon nang nakikipaglaban matapos mawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya.

“We also invited PBA Partlist Cong. Jericho Nograles na isa sa mga sumusuporta sa atin sa House. Sa kanila po manggagaling ang mga batas na makatutulong sa ating mga atleta. Nakabili po tayo ng Hematoma screening test machine dahil sa dagdag na budget sa ahensiya mula sa ayuda ng ating mga butihing senador,” sabi pa ni Mitra.

Ayon kay GAB Medical Division Chief Dr. Radentor  Viernes, ang Hematoma screening test machine ay lubhang mahalaga upang maagang masuri ang kondisyon at mapigilan ang higit na pinsala sa mga boxer, combat sports fighter at iba pang physical contact sports.

“After the fight, masusuri kaagad natin sa hematoma screening test kung may pinsala or blood clot sa utak ang boxers. From there makagagawa agad tayo ng action and recommendation para ma-check kaagad ang kanilang condition,” ayon kay Viernes.

Aniya, apat na hematoma screening test kits ang binili ng GAB at nakahimpil sa satellite office ng GAB sa Cebu, Davao at Manila.

Iginiit ni Viernes na prayoridad ng GAB ang kalusugan ng atleta kung kaya’t malaking tagumpay sa ahensiya ang muling paglagda ng Department of Health (DOH) para sa libreng medical test ng mga boxer at contact sports fighter.

Nagbigay rin ng updates sa progreso ng iba’t  ibang sports at paglaban ng GAB sa illegal gambling at game-fixing sina Legal Councel Atty. Ermar Benitez, Sports Regulation Officer Jackie Lou Ornido, Jun Bautista, Rodil Manaog at PBGen. (ret) Florendo Quibuyen.

Bukas pa ang pagpapatala para sa Sports Summit. Magpatala sa https://forms.gle/Ja4aKk5fTK5jCkF26. EDWIN ROLLON

5 thoughts on “‘SONA’ NG GAB SA SPORTS SUMMIT”

  1. 148908 275764This web-site is truly a walk-through rather than the info you desired concerning this and didnt know who to inquire about. Glimpse here, and you will completely discover it. 450746

Comments are closed.