SONA ni PBBM: HINDI ISUSUKO ANG WEST PH SEA

BUKOD sa POGO ban na kasama sa ulat sa bayan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, isa rin sa pinalakpakan ang pahayag nito na ipaglaban ang West Philippine Sea.

“Ang West Philippine Sea ay hindi kathang isip natin lamang, ito ay atin,” madiin na binigkas ng Pangulo sa kanyang ikatlong SONA.

“At ito ay mananatiling atin hangga’t nag-aalab ang diwa ng ating minamahal na bansang Pilipinas. Pagtitibayin at palalaguin natin ang kamalayan at kaalaman na maipapasa natin sa ating kabataan at susunod na salinlahi.”

Abot-abot ang pasasalamat ang ipinarating ng Pangulo para sa Philippine Navy, Philippine Coast Guard, at mga mangingisda na patuloy na nagmamatyag at nagsasakripisyo para sa West Philippine Sea.

Sa pagtatapos ng ulat ng Pangulo, ito ang kanyang nasambit, “Lagi po nating mahalin ang Pilipinas, lagi po nating mahalin ang Pilipino.”

Tiniyak ng Pangulo na hindi isusuko ang karapatan sa nasabing isla.

“We will never yield, sa atin ang West Philippine Sea, “ giit ng Pangulo. Riza Zuniga