SOPHIA CHATBOT NA INILUNSAD SA QC, SOLUSYON SA VIOLENCE AGAINST WOMEN

INAASAHAN  ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na magiging susi ang makabagong teknolohiya na AI (Artificial Intelligence(AI) assisted na “Chatbot Sophia” na inilunsad ng lungsod Quezon katuwang ang ilang grupo upang maresolba at wakasan ang mga kaso ng violence against women (VAW) o mga kaso ng karahasan sa mga kababaihan maging sa kanilang mga tahanan sa Pilipinas, at maging sa ibang panig ng mundo.

Sa pagkakapili umano ng lungsod bilang hub ng makabagong teknolohiya na Sophia Chatbot, sinabi ni Belmonte na mangunguna ang lungsod sa adbokasiya na ito laban sa VAW. “Quezon City is taking the lead in incorporating AI to improve service delivery to its people and we are delighted that this extends to the realm of gender equality, of which we are among the country’s leading advocates,” sabi nito.

Katuwang ng lungsod Quezon ang Embassy ng Switzerland, at mga advocacy groups na SPARK! Philippines and Spring ACT sa paglulunsad ng “Chatbot Sophia” ng Sabado sa hangaring malutas ang suliranin ng bansa sa VAW.

Ang Chatbot Sophia ay dinevelop ng Swiss non-profit organization na Spring ACT na pinangungunahan ni international human rights lawyer Rhiana Spring. Pangunahing layunin umano ng Sophia ang magbigay kapangyarihan at lakas ng loob sa mga biktima o survivor ng domestic violence at VAW sa pamamagitan ng pagtulong ng pangungulekta ng potensyal na mga ebidensya sa nasabing krimen, at magbibigay daan para sa mga paraan ng pagkuha ng mga suportang kinakailangan nila .Ito umano ay gumagamit ng iba’ ibang lengguwahe kabilang ang Filipino na kasalukyan ng ginagamit sa iba-ibang panig ng mundo. Ang “Sophia , the Chatbot” ay isang digital companion na tumutulong na sa ngayon sa mga biktima at survivors ng domestic violence sa iba’t ibang panig na ng mundo 24/7 na itong gumagana sa iba ibang bansa at meron na itong 12 lengguwahe.

Ang Chatbot Sophia, ay isang computer program na dinesenyo upang makipag- ugnayan sa gumagamit sa pamamagitan ng pagamit ng messaging paltforms o application. May automated responses o pagasagot na pakikipag-usap ang naturang programa habang pinoproseso ang mga data na ibibigay ng user o gumagamit ng naturang application. Ang application at tumutulong sa mga biktima at survivor kumolekta ng mga ebidensya ng walang trace o marka ng kanilang pagsusuplong.Ipinapahayag din ng naturang application ang mga karapatan sa batas ng mga biktima na pumprotekta sa kanila.

Ayon kay Belmonte, malaking tulong ito upang protektahan hindi lamang ang mga kababaihan na biktima ng VAW o domestic violence kundi ang mga kabataan na nakakaranas nito. Ang Sophia ay isang revolutionary digital tool na nagbibigay kalayaan sa indibidwal na kontrolin ang kanyang laigtasan, at tinaguriang “essential supplement” sa tradisyonal na support system.

Ang kainaman aniya nito ay ang anonymity and user-centric na disenyo nito kung saan ay pwede humingi ng tulong ang biktima o survivor ng walang takot.

Ang nailunsad na Sophia Chatbox sa Pilipinas na kasalukuyang unang isinasagawa sa lungsod Quezon ay isang “collaborative effort” kasama ang SPARK! Philippines, Embassy of Switzerland in the Philippines, Spring ACT, ang Quezon City Government through the Quezon City Gender and Development Council, at RespetoNaman advocacy group. MA. LUISA GARCIA