SOPHIE ALBERT KEBER KUNG PINAKAHULING CHOICE; MAS IMPORTANTE ANG ROLE

SOPHIE ALBERT-2

showbiz eyeNO problem naman pala kay Sophie Albert kung after ng “Pamilya Roces” na nagpatawa at nagpa-sexy siya, ngayon naman sa “Bihag” ay seryoso naman siya pero magpapa-sexy pa rin.  Sa mga ganito bang role, nagpapaalam muna siya sa boyfriend na si Vin Abrenica na boy-friend na niya for six years?

“Hindi po, pareho kaming artista at alam naming bahagi ito ng mga roles na ibinibigay sa amin.  Kung may ganito naman akong eksena, mayroon din naman siya,” biro pa ni Sophie.  “No, nagkakaintindihan po kami ni Vin kaya wala po kaming problema.  Mabuti nga po na magkahiwalay kami ng network, nagagamit namin ito para mag-compare ng working situation namin.”

Challenged si Sophie as Reign, na mistress ni Brylle (Jason Abalos) sa story.

“Iyon pong role ko sa “Pamilya Roces,” okey lamang sa akin dahil nga nagpapatawa ako, pero mas mahirap po palang magpa-sexy na seryoso. Ma-saya po ako na binibigyan ako ng GMA ng iba-ibang role.  Bale ito po ang second project ko sa kanila after akong nag-transfer dito.  Pero kapag wala po akong work, lagi naman nila akong pinaggi-guest sa iba’t ibang shows ng network, naiikot ko ang ibang shows, kaya hindi rin po ako nahihinto sa pag-arte, iba-iba ang role na ginagampanan ko.  Gusto ko pong mahasa sa pagiging kontrabida.”

Si Sophie ang pumalit kay Winwyn Marquez sa role niya bilang si Reign.  Hindi ba siya nag-isip na second choice lamang siya sa role?

“Hindi po, kahit pang-huling choice po ako, mas mahalaga po sa akin na may trabaho. Sayang po ang opportunity na matuto ng iba’t ibang role na gagampanan.”

Ang “Bihag” ay dinidirek ni Neal del Rosario at pilot episode na nila sa Monday, April 1, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng “Inagaw Na Bituin.”

BARBIE FORTEZA AT MIKA DELA CRUZ HIWALAY NA

NALOKA ang mga sumusubaybay sa “Kara Mia” nang mapaghiwalay ang magkapatid na Kara (Barbie Forteza) at Mia (Mika dela Cruz).  Nawala na ulo ni Mia na nasa likod ni Kara.  Pero lalong nagulat ang mga netizen na kapag umaga ay magkakabit muli ang magkapatid. Paano kaya ito ii-explain?

Mas gusto naman ng mga netizen ang character ni Kara na mabait at mapagbigay kay Mia.  Naiinis naman sila kay Mia na masyadong demanding at gusto laging siya ang masunod, lalo na pagdating kay Boni (Jak Roberto).

“Medyo nagugulat din po kami ni Mia sa takbo ng story,” sabi ni Barbie.  “Pero masaya rin kami na magkahiwalay na kami.  Huwag po kayong bibitiw sa amin gabi-gabi after ng “24 Oras” dahil marami pong pasabog pa kaming gagawin.”

JASMINE CURTIS SMITH NAMI-MISS NG NETIZEN

JASMINE CURTIS SMITHMAMI-MISS naman ng mga netizen si Jasmine Curtis Smith ngayong dalaga na si Sahaya (Bianca Umali) dahil si Mylene Dizon na ang gaganap na nanay ni Sahaya na si Ma­nisan. Thankful si Jasmine na siya ang napiling gumanap na young Manisan dahil habang naghahanda siya sa role niya, marami siyang nagawa at natutunan tungkol sa culture ng mga Badjaw dahil sa “Sahaya.”

Thankful din ang Team Sahaya dahil gabi-gabi ay tumataas ang kanilang rating.  Napapanood sila pagkatapos ng “Kara Mia.”

Comments are closed.