MISAMIS ORIENTAL – HINDI natapos sa pagso-sorry ng hepe ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa lalawigang ito ang usapin hinggil sa maling pag-aresto sa online columnist kamakailan sa Languindigan Air-port.
Sa halip, ikinakasa na umano ni Fidelina Margarita Valle, isang kolumnista na nakabase sa Davao City ang kaso laban sa pinuno ng CIDG sa nasabing rehiyon.
Binigyang diin ni Valle na hindi niya malilimutan ang kanyang karanasan nang 12 oras siyang pigilin sa Pagadian City Police Station.
Si Valle ay inaresto sa Laguindingan Airport sa Misamis Oriental dahil sa mga kasong arson, multiple murder at frustrated murder at iba pa.
Kalaunan ay pinalaya rin ito matapos mapagtanto ng mga pulis na hindi pala si Valle ang hinahanap nilang suspek. EUNICE C.
Comments are closed.