TINANGGAP ng Department of Education (DepEd) ang paghingi ng paumanhin ng World Bank (WB) kaugnay sa inilabas na synthesis report kung saan inilahad na kulelat ang mga estudyante sa Filipinas pagdating sa Math, Science at English.
Ang nasabing ulat ay may pamagat na ‘Improving student learning outcomes and well-being in the Philippines: What are international assessments telling us?’.
“Higit pa sa pag-amin sa pagkakamaling hindi napansin, inaasahan naming ang pahayag ng WB ay malinaw na nagbigay-diin sa pangako at konkretong mga hakbang na ginagawa ng Kagawaran, kasama na ng aming mga partner, upang malutas ang matagal nang mga isyung nakasasama sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas,” pahayag bg DepEd.
Naunang nag-react si Education Secretary Leonor Briones sa ulat dahil aniya nainsulto at napahiya ang kagarawan.
Sinabi ni Briones na hindi sinunod ng World Bank ang protocol sa paglalabas ng report, at hindi muna ipinaalam sa Department of Education.
“Ang World Bank na nagpalabas ng datos, ito ay hindi sumunod sa protocol. Kasi kung mag-report ka on a country kailangan malaman ng country na iyon kung anong sasabihin…. Walang sabi-sabi; inuna sa media,” dagdag ni Briones.
Naalarma ang Malakanyang sa ulat at dahil dito ay hiniling sa kagawaran ni Presidential spokesman Harry Roque na pag-aralan ang mga maaring gawing hakbang para mabago ang curriculums dahil sa inaasahan na pagpapatuloy ng blended learning system dahil sa pandemya.
Base sa inilabas na datos ng World Bank, sa 79 bansa, pumapang-78 ang mga Filipinong mag-aaral pagdating sa Math, Science at pagbabasa ang pag-uusapan.
Lumabas din aniya na isa sa bawat mag-aaral sa bansa ay hindi marunong magbasa.
812013 824271This is the fitting blog for anybody who desires to uncover out about this subject. You notice a lot its practically onerous to argue with you (not that I truly would wantHaHa). You undoubtedly put a brand new spin on a topic thats been written about for years. Good stuff, just fantastic! 572339
391203 512926I like this post a whole lot. I will undoubtedly be back. Hope that I will be able to read a lot more insightful posts then. Will probably be sharing your knowledge with all of my associates! 398585