SORSOGON SPORTS ARENA KAYA ANG 54K KATAO

Kasya ang mahigit-kumulang na 54,000 na katao sa Sorsogon Sports Arena na pinasinayaan kamakailan sa pangunguna  ni Pangulong President Ferdinand Marcos Jr.

Ito  ang pinakamala­king sports platform sa Bicol na maipagmamalaki ng bawat Bicolano.

Kasama ng Pangulo sa uveiling ng sports facility  sina Sorsogon Governor Edwin “Boboy” Hamor at  Senate President Francis “Chiz” Escudero, na  proponent ng nasabing infra project.

Ayon kay Escudero:  “Ito ang pinakamalaking venue sa buong Bicol region at marahil nasa top 10 sa buong Pilipinas. This is something indeed to be proud of. Isa nanaman na dahilan para maipagmamalaki na tayo ay taga-Sorsogon.”

Kasabay ng pasinaya ang selebrasyon para sa pagdiriwang ng 50th anniversary ng Kasanggayahan Festival sa pro­binsiya, 130th founding anniversary ng Sorsogon, at ng  455th commemoration sa  unang misa na  ginanap sa Luzon.

Ang Sorsogon Sports Arena ay  inspired sa iconic Colosseum sa Rome, Italy, na may lawak na 7.1-hectare at naroon ang gusali ng Department of Education (DepEd) Sorsogon at  gymnasium nito.

Unang plano ay ga­mitin para sa Palarong Pambansa noong 2021, subalit naudlot ang construction nang tumama ang  COVID-19 pandemic.

Inanunsyo naman ni Escudero na planong ganapin sa  Sorsogon ang Palarong Pambansa 2027.

“The Sorsogon Sports Arena is home to modern amenities that can be used for major international competitions, as well as a 300-room dormitory that is intended to house the athletes, coaches, technical officials and spectators, ayon kay Escudero.

Ikokonsulta ni Escudero sa Philippine Sports Commission na gawing  massive facility sa national sports training camp ang  Sorsogon Sports Complex na taglay ang  geographical advantage ng  hosting sa trainings.

 “Ngayon nasa Baguio, nasa norte. Malayo sa Visayas, malayo sa Mindanao. Sorsogon is in the Southernmost tip of Luzon, medyo nasa gitna. Dito lang kumpleto ang facilities at lahat ay pag-aari ng DepEd,”dagdag pa ni Escudero.

Sa kanyang talumpati, kumpiyansa si PBBM sa katangian ng arena bilang national sports training camp na magiging instrumentk para makalikha ng marami pangt Olympians at world-class Filipino athletes.

“Isang mahalagang hakbang upang maitagu­yod natin ang ating mga kababayan na may ang­king galing sa larangan ng palakasan. Sa tulong nito, mabibigyan sila ng pagkakataon upang mahasa pa ang kanilang mga talent,” anang Pangulo.

EVELYN QUIROZ