SOUP DISHES NA SWAK IHANDA SA PAMILYA

SOUP

UMUUSOK at walang kasinsarap, isa iyan sa masarap pagsaluhan ng buong pamilya lalo na kapag walang tigil sa pagbuhos ang ulan.  Kung masarap at mainit nga naman ang ihahanda natin sa ating pamilya, tiyak na mawawala ang lamig ng pakiramdam na kanilang nadarama. Tiyak ding sisilay ang ngiti sa kanilang mga labi.

Kaya naman, sa mga nag-iisip ng mga puwedeng ihanda sa pamilya, narito ang ilang mga soup dish na bukod sa masarap ay napakadali lamang ding ihanda at lutuin:

POTATO AND SEAFOOD CHOWDER

Seafood ang isa sa masarap kahiligan. Kakaiba nga naman ang lasa nito at talagang kawiwilihan mo. AtSOUP kapag nilagyan mo pa ito ng hiniwa-hiwang patatas, sulit na sulit na at tiyak na masisiyahan na ang kahit na sinong makatitikim.

Kaya’t kung nag-iisip ka ng magandang ihanda sa pamilya na may seafood at patatas, swak na swak ang Potato and Seafood Chowder.

Napa-creamy rin nito kaya’t magugustuhan ito kahit ng mga tsikiting. Sa loob lang din ng 30 minuto ay maihahanda mo na ito sa buong pamilya.

RED CURRY NOODLE SOUP

Kung mahilig ka naman sa curry o sa Thai food, swak namang subukan ang Red Curry Noodle Soup. Thirty minutes lang ay maaari mo na itong maihanda sa iyong pamilya o maging sa mga bisita.

SOUPSimple lang naman ang paggawa nito dahil ang mga kakailanganin lang ay ang vegetable oil, Thai red curry paste, chicken broth, fish sauce, salt, sugar, lemon juice, boneless and skinless chicken breast, Thai-style rice noodles, basil at scallions.

Sa pagluluto naman, magsalang ng saucepan o kahit na anong lutuan, lagyan ng mantika saka painitin. Kapag mainit na, ilagay na ang curry paste. Isama na rin ang chicken broth, patis, asukal, at lemon o lime juice. Pagkatapos ay idagdag naman sa lutuan ang chicken breast. Hayaan lang na kumulo ang mixture hanggang sa maluto ang chicken. Kapag naluto na ang chicken, ilipat na ito sa lalagyan saka hiwain sa katamtamang laki o bite-sized strips.

Lutuin naman ang noodles ayon sa nakalagay sa packaging.

Ganoon lang kasimple at maaari na itong ihanda. Sa paghahanda naman, ilagay lang ang noodles at soup mixture sa isang mangkok. Lagyan ito sa ibabaw ng basil at scallions.

Simple at napakasarap pa.

CHICKEN TORTILLA SOUP

Isa pa sa masarap pagsaluhan at napakadali lamang ihanda lalo na ngayong walang tigil sa pagpatak ang ulan ay ang Chicken Tortilla Soup. Tunay nga namang hindi mawawala sa kinahihiligan ng Pinoy ang sopas dahil sa bukod sa napakadali lamang nitong lutuin, swak din ito sa budget at maging sa panlasa ng kahit na sinong makatitikim. Hindi rin lalampas ng thirty minutes ay maihahanda mo ang nasabing soup. Napaka-healthy rin nito.

Maraming mommy ang abalang-abala sa pagtatrabaho at pag-aasikaso ng kanilang pamilya. Pero kahit na sabihing abalang-abala ang maraming Nanay, hindi ito nangangahulugang pababayaan na natin ang ating pamilya. Dahil may mga simple at napakadaling paraan para maipaghanda natin ang ating pamilya ng masasarap na soup. Maging madiskarte lang.  (photo credits: yummy.ph, pinterest.com at recipes.heart.org) CS SALUD

Comments are closed.