NASUNGKIT ni Filipino John Riel Casimero ang World Boxing Organization bantamweight belt makaraang pabagsakin si dating champ Zolani Tete sa kanilang laban sa Birmingham, England kahapon.
Ginulantang ni Casimero, ang interim champion dahil sa injuries na natamo ni Tete na nagpuwersa sa kanya na umatras sa World Boxing Super Series, ang kanyang South African opponent, na naging impresibo sa unang dalawang rounds, sa pamamagitan ng uppercut sa kanyang sentido na nagpabagsak sa kanya sa third round.
Nakatayo pa si Tete sa 10-count, subalit muling nagpasuray-suray kung saan kinailangan siyang itayo ni referee Steve Gray matapos na madulas.
Muling bumagsak si Tete nang atakihin ni Casimero at itinigil ni Gray ang laban sa 2:10 mark ng Round 3.
Ito ang ikatlong world title ni Casimero na unang hinawakan ang International Boxing Federation light flyweight at light flyweight crowns.
Umangat si Casimero sa 29-4 at naitala ang kanyang ika-20 knockout, habang nahulog si Tete sa 28-4. PNA
Comments are closed.