TAHASANG inihayag ng Chinese Foreign Ministry na hindi hunting ground ng foreign forces gaya ng U.S ang South China Sea.
Ang nasabing pahayag ay kasunod ng deklarasyon ng United States na naglatag sila ng malinaw na kondisyon sa ilalim ng bilateral security guidelines sa Pilipinas na tutulong sila sa pagtatanggol sa bansa sakaling salakayin ang hukbong sandatahan nito kasama ang Philippine Coast Guard vessels saan mang bahagi ng South China Sea.
Sa ibinahaging pahayag ni China Ministry of Foreign Affairs Spokesperson Mao Ning : “I would like to stress that the South China Sea is the shared home for countries in the region, not a hunting ground for forces outside the region.
“When regional countries are committed to mutual trust, solidarity, cooperation and properly handling differences, they have in their hand the key to peace and stability in the South China Sea.”
Ayon kay Mao Ning; “With the concerted efforts of regional countries, the situation in the South China Sea has maintained overall stability. The US-Philippines defense guidelines is a bilateral arrangement.”
“China firmly opposes any country’s move to meddle in the South China Sea issue to harm China’s territorial sovereignty and maritime rights and interests by citing the guidelines,” sabi pa ng China Ministry of Foreign Affairs.
Samantala, nagpahayag naman si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos sa kanyang post visit report sa Washington DC na nagkasundo sila ni US President Joe Biden na panatilihin ang kapayapaan at stability sa Taiwan Strait.
Nanindigan din si Pangulong Marcos na hindi magpapadala ang Pilipinas ng mga Pilipinong sundalo sakaling tumaas ang tensyon sa Taiwan kahit na hilingin pa ito ng Amerika.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag nang tanungin kung hiniling ba ng Amerika na magpadala ng mga Pilipinong sundalo sakaling sumiklab ang giyera sa pagitan ng Amerika at China dahil sa Taiwan.
Kaugnay nito, tiniyak ng presidente na hindi rin magagamit bilang staging post sa ano mang uri ng military action ang apat na lugar na idinagdag sa naunang limang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites. VERLIN RUIZ