SOVEREIGN TERRITORY PINATUTUKAN NG AFP

PINATUTUKAN ngayon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) AFP chief-of-staff Lt. Gen. Bartolome Bacarro sa pamunuan ng Philippine Navy ang pangangalaga sa sovereign territory ng bansa.

Personal na dinalaw ni Gen. Bacarro ang punong himpilan ng Hukbong Katihan at sa kanyang Talk to Troops ay pinatitiyak nito na mapagsisikapan na maprotektahan ang maritime domain ng Pilipinas sa mga panghihimasok ng dayuhan.

“It is very imperative that we should continue to protect, defend, and secure maritime domain against all foreign intrusions while vigorously pursuing awareness in the surface, sub-surface, and airspace up to the high seas and beyond,” mariing pahayag ni Lt.Gen. Baccaro.

Nilinaw ni Bacarro na kabilang sa kanilang pangunahing mandato at mahigpit na tagubilin ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong “ Marcos Jr. na panatilihin ang sanctity lalo na ang sovereignty at territorial integrity ng bansa. VERLIN RUIZ