GOOD day mga kapasada
Isang maliit na bagay na ipinalalagay ng mga kapasada ang ating tatalakayin sa isyung ito. Ito ay ang spark plug (buhiya) na malimit nakaliligtaan ng mga drayber na bigyan ng atensiyon hanggang sa huminto ang kanilang minamanehong sasakyan. Sa paghinto ng sasakyan, tiyak na magbibigay ito ng sakit ng ulo sa bawat drayber sa tuwing kanilang tatangkaing paandarin.
Ang spark plug ay isang electrical device that fits into the cylinder head of an internal-combustion engine and ignites the gas na siyang nagbibigay ng siklab upang umandar ang makina.
Papaano ba lilinisin at papalitan ang spark plug? Learning how to check, clean and change spark plug is a valuable part of your DO IT YOURSELF (DIY) EDUCATION.
Payo ng service mechanic, madali lang ang pangangalaga para mapanatiling nasa maayos o magandang kondisyon ang spark plug (buhiya), gayundin ang pagto-trouble shooting nito.
Narito ang mga hakbang na dapat na isaalang-alang upang mapanatiling nasa magandang kondisyon ang engine ng inyong sasakyan:
1. how to clean fouled spark plugs
2. changing sparks plugs.
3. checking small engine spark plugs.
BABALA NG SERVICE MECHANIC: “Always read the engine and equipment manual before starting, operating, or servicing your engine or equipment to avoid personal injury or property damage.”
CHECKING SMALL ENGINE SPARK PLUGS
Ang electrodes on a spark plug ay kailangang linising mabuti upang makalikha ito ng powerful spark na kailangan ng ignition.
Kung lubhang marumi o luma na ito, the more voltage – and the greater the tug on the rewind upang ito ay makalikha ng sapat na siklab.
PAANO MALALAMAN ANG FOULED SPARK PLUG
Para malaman kung fouled o damage ang spark plug ng sasakyan, narito ang ilang paraan tulad ng:
Step 1: Tanggalin ang spark plug lead. Linising mabuti ang buong paligid nito upang matanggal ang mga kumapit na debris sa combustion chamber kapag iyong tinanggal ang buhiya.
Step 2: Tanggalin ang spark plug sa pamamagitan ng paggamit ng plug socket.
Step 3: Tanggalin ang mga light deposit o dumi sa paligid ng spark plug sa pamamagitan ng wire brush and spray on plug cleaner.
Step 4: Tsiking mabuti kung mayroong nakakapit na dumi o kaya ay may crack na porcelain o electrodes na maaaring nasunog. Kung sira na ito, palitan kaagad.
Step 5: I-check ang spark plug gap at i-adjust kung sobrang luwang o kipot ng gap.
Step 6: If it seems in working order, replace the plug, taking care not to over tighten (15 ft., lbs. maximum) at muling ibalik ang spark plug lead.
Step 7. Start your engine.
Matapos gawin at hindi nag-start ang sasakyan, maaaring ang problema ay nasa fuel, kaburador, balbula at iba pa. Puwede rin namang ang dahilan ay ang ignition system.
RECOMMENDED MAINTENANCE NG BUHIYA
Sa mahabang pakikipanayam sa service mechanic, binanggit nito na mahalaga ang maintenance ng buhiya upang maging maayos ang kondisyon ng makina at ibayong makatipid sa gasolina.
Narito ang step by step na paraan ng pangangalaga nito:
1. Pagtatanggal ng spark plug – tanggalin ang buhiya sa pamamagitan ng kamay after the initial torque is broken.
Kung hindi matanggal ang buhiya sa pamamagitan ng kamay, lagyan ng langis ang thread. At upang makapasok ang langis sa thread, pihitin pabalik-balik ang spark hanggang sa ito ay lumuwag.
Kung hindi pa rin matanggal ito ng kamay, linisin ang thread sa pamamagitan ng spark plug seat cleaner. Tinatanggal ng seat scrapes cleaner ang mga debris mula sa thread ng cylinder head. Kailangang matanggal ang lahat ng debris mula sa cylinder.
2. Ang spark plug gasket – matapos matanggal ang spark plug, tanggalin ang crushable metal spark plug gasket. Palitan ang crushable spark plug gaskets kapag nagpapalit ng spark plug o reinstalling a spark plug.
Kapag nagkamali sa pag i-install ng spark plug, huwag hihigpitan ang torque sa spark plug upang mapabuti ang seal.
3. Ang pagpapalit ng spark plug (spark plug installation) – kung magpapalit ng spark plug, laging isasaalang-alang ang mga payo ng service mechanic tulad ng:
a. Ayusin ang puwang matapos tanggalin ang spark plug.
b. Laging gumamit ng bagong gasket sa pagpapalit ng spark plug.
c. Ikabit ang spark plug sa pamamagitan ng kamay at kung hindi wastong maikabit ito, may problema sa thread.
d. Matapos maikabit ang spark plug, higpitan ito sa pamamagitan ng torque wrench at spark plug socket.
Take note: Sa normal na paggamit, ang spark plug ay lilikha ng light ash deposit sa isang bahagi ng spark plug na lantad sa combustion. Ang makapal na deposit ng abo ay nagpapahiwatig ng mahinang performance ng combustion o kaya ay magkakaroon ng malakas na consumption ng langis. Linising mabuti ang ash deposit ng spark plug.
PAANO LILINISIN ANG SPARK PLUG
Madaling linising ang spark plug, ngunit kailangan ang ibayong pag-iingat sa paglilinis nito, ayon sa service mechanic.
Gumamit ng solvent upang tanggalin ang kumapit na oil at tar deposit sa alinmang bahagi ng spark plug surface, ngunit kailangan ang agarang pagpupunas ng malinis na basahan sa thread ng spark plug.
Laging lilinising mabuti karaka-raka ang thread ng spark plug upang maalis ang dumi at langis na kumapit dito at laging titiyakin na walang bara ang combustion chamber para maiwasan ang uncontrollable detonation.
Ito ang karaniwang ginagawa ng may-ari ng sasakyan sa layuning makatipid sa gastos lalo na doon sa mga pre-combustion chambers. Sakaling ito ay marami nang ash deposit, makabubuti na palitan na ang spark plug para sa madaling ignition at matipid na konsumo ng gasolina.
Kung magpapalit ng spark plug, iwasang gumamit ng anti-seize compound sa spark plugs. Ang karaniwang siklab (heat) ay inihahatid sa pamamagitan ng thread and the seat area ng spark plug. Ang pagkikiskisan ng mga metal surface ay kailangang mapapanatili upang makapaghatid ng siklab na kailangan ng engine.
Kung hindi wasto ang pagkakapagkabit ng spark plug gasket, huwag hihigpitan ito sa pamamagitan ng paggamit ng torque.
Huwag hihigpitan ng sobra ang spark plug upang maiwasan ang pagkakaroon ng crack (lamat) ang spark plug.
SAMU’T SARING PAG-IINGAT SA PAGMAMANEHO
Lubhang ikinabahala ng Land Transportation Office (LTO) ang mga road accident hindi lamang sa Kalakhang Maynla kundi maging sa labas ng Metropolis.
Kabilang sa mga ikinababahala ng LTO na isa mga ugat ng traffic accident ay ang paglusot o overtaking lalo na sa panahon ng rainy season.
Binigyang diin ng LTO na inilalagay ng batas ang responsibilidad sa drayber ng gawang paglusot.
Anumang masamang mangyari dahilan sa maling paglusot ay dapat panagutan ng drayber.
Ayon sa LTO, may tatlong bagay na dapat isaalang-alang ng drayber sa paglusot upang makaiwas sa posibleng traffic accident resulting to injury or death tulad ng:
1. Hindi makatuwiran ang pagpapabilis ng takbo kung inuunahan. Ipagpatuloy ang dating bilis o kaya ay bagalan.
2. Magbigay ng daan sa nais mag-overtake (lumusot). Gumawi sa bandang kanan ng inyong lane upang may sapat na daang makagawi sa bandang kaliwa ang gustong lumusot, at
3. Ibigaay ang nararapat na kortesiya sa kapwa drayber na inaasahang ibibigay rin sa iyo kung kayo ang nasa kanyang kalagayan.
KAILAN BAWAL ANG LUMUSOT
Nilinaw ng LTO na bawal ang lumusot sa mga sitwasyong katulad ng:
1. Kung mahaba ang hanay ng mga sasakyan sa unahan.
2. May balak huminto o lumiko.
3. Kung may papalapit na sasakyan sa iyong direksiyon.
4. Kung ang sinusundang sasakyan ay lumalampas na sa takdang bilis na dapat itakbo.
KAUNTING KAALAMAN – Pinapayagan lamang ang paglusot sa kanan kung ito ay ligtas at kung ang drayber ng sinusundang sasakyan ay nagsesenyas ng likong kaliwa; sa highways na may dalawahan o higit pang lanes na iisa ang direksiyon at sa mga one way traffic street.
LAGING TATANDAAN: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.
HAPPY MOTORING! (Photos from google)
Comments are closed.