SPARTACUS, FORMIDABLE ROMAN GLADIATOR

Si Spartacus ang pinakaprominenteng gladiator noong panahon ng Lumang Roma. Sa katotohanan, minsan man ay hindi siya lumaban sa amphitheater, kaya ewan kung bakit siya binansagang gladiator.

Nakilala si Spartacus sa makabagong mundo noong 1960, dahil sa pelikula ni Kirk Douglas na kapareho ang pangalan, ngunit ang pagkakaiba ay isinilang ang nasabing Spartacus sa Balkans at ibinenta bilang alipin para maging gladiator. Isinagawa ang kanyang training sa isang iskwelahan sa Capua.

Ang pinag-uusapan nating Spartacus ay Spardakos ang tunay na pangalan, na ang ibig sabihin ay “famous for his spear” o mahusay sa pagsibat. May edad lamang siyang 30 years old, at nabibilang sa noble o aristocratic blood. Nagsimula siya sa pakikipaglaban bilang auxiliary sa Roman Army.

Hindi kwestyunable ang pagiging pinakamahusay ni Spartacus sa pakikipaglaban, dahil isa siyang fighter na namuno sa maramihang slave rebellion (ayon sa pelikula) matapos makaranas ng matinding training sa gladiator training school, isang napakabrutal na lugar. Siya at ang 78 pang gladiator ay nagrebelde laban sa kanilang panginoong si Batiatus, gamit lamang ang karaniwang kutsilyong pangkusina. Sa dami ng napatay nila, napakaimposible na raw bilangin. Umabot sa 1000 ang nalagas sa mga Romano at wala sa namatay si Spartacus.

Tumakas ang iba pa niyang kapanalig sa kabundukan at marahil ay kasama siya sa mga tumakas ngunit hindi ito napatunayan kahit pas sinundan sila ng grupo ni Crassus.

Lubhang kinatakutan si Spartacus ng mga Romano dahil siya at ang kanyang army ay walang awa kung pumatay.

Si Spartacus, isang Thracian gladiator-turned-rebel leader, ay naging magiting na kalaban noong Third Servile War (73–71 BCE), na kilala rin bilang Slave War o War of Spartacus.

Ayon sa kwento, may naging girlfriend si Spartacus — si Phrygia. Hindi raw ito totoo. Sina Varinia at Phrygia na kapwa raw na­ging girlfriend ni Spartacus ay kwento lamang. Ang totoo ay nagkaroon siya ng asawa — o masa­sabi nating kinasama dahil hindi naman sila ikinasal. Hindi alam ng mga historians ang kanyang pangalan.

Hinding hindi ma­lilimutan si Spartacus dahil pinamunuan niya ang ikatlong pinakamalaking pag-aaklas ng mga alipin laban sa Roma. Tinalo ng kanyang army na umaabot sa 100,000 sundalo ang southern Italy patungo sa Italian Peninsula hanggang sa Alps.

Sinasabing si Crassus ang nakatalo at nakapatay kay Spartacus, pati na ang 6,000 pang rebelde.

Kamakailan, natuklasan ang isang Roman gladiator arena sa Turkey na may 1,800 taon na umanong nakabaon sa lupa. Hindi pa ito ganap na nahuhukay dahil sobrang laki raw ng nasabing amphitheater, na may  sukat na mahigit 300 feet in diameter at kayang maglaman ng 15,000 hanggang 20,000 katao. Kahawig ito ng Colosseum of Rome, pati na ang hilera ng mga upuan, waiting rooms sa ila­lim ng sahig ng arena para sa mga gladiators, at mga entertainment rooms para sa mga sikat na mano­nood. Napuntahan kaya ito ni Spartacus?     — RLVN